60k Para Sa Isang Entry Level Laptop? DepEd Just Did That

DepEd just purchased around 39,000 laptop units with an outdated Intel Celeron processor, kinda sus by the way, but are we surprised by this? Apparently no.

Nagisa sa sariling mantika ang DepEd kamakailan lang matapos bumili ng Php 2.4 billion worth of laptops na may sobrang outdated na Intel Celeron, sabi ng Commission on Audit, bukod sa hindi akma ang specifications ng mga nabiling laptop para sa mga teachers para sana sa distance learning sa kabila ng COVID-19 pandemic, overpriced daw ang nasabing mga units.

68,500 na laptops ang dapat na mabibili nila, pero naging 39,583 na lang raw, dahil na rin sa impluwensiya ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM-PS), na nag-set daw ng recommendations na presyo from Php 35k up to Php 58,300 pero ang kaso kasi, pang-entry level lang talaga ang mga laptops na ito at hindi sure kung tatagal ba talaga during normal wear and tear, sana nagdagdag na lang sila ng ilang daan pa at puwede na sila maka-acquire ng the latest MacBook unit!

“Ang presyo kasi per unit ay masyadong mahal para sa isang entry-level laptop na dapat sana, mas murang na-acquire, paano naman ‘yung other 28,917 na teacher na hindi naka-acquire ng unit dahil lang sa mahal ang nabili nila, at obvious pang hindi ito worth it,” sabi ng COA. Kahit na maraming mas mura at mas magandang options diyan, mas pinili pa rin nila na bumili nitong overpriced units. Ang sabi naman ng DepEd, sumunod lang naman daw sila sa presyo at specs na nirekomenda ng DBM-PS, base na rin sa report ng COA state auditors.

Php 60,000 ang presyo ng isang Dell Latitude 3420 Laptop na may dual-core lang at Intel Celeron na processor? Ayy, lmao.

Kung didikit na rin tayo sa kanilang price range, nagdagdag na lang sana sila ng Php 400 pesos at may MacBook Air na sila na may Apple M1 processor pa na talagang mas ideal for daily usage, casual man o harabas na paggamit. Php 57,990 lang ang 8GB+256Gb variant, at hindi namin maiwasan mag-isip dito sa Unbox Diaries kung talaga bang nag-research ng mabuti ang mga taga-DepEd. Sabi nga nila, learning never stops.

Naaala niyo pa ba noong sikat pa ang PiZap? Well, ganoon na siguro katanda ‘tong Intel Celeron kaya dedicated sa kanila itong throwback face-off meme na ito.

Sa kabilang banda, ‘yung Intel Celeron talaga ay for budget-friendly computers lang talaga, makakabili ka na nga ng laptop na may Intel Celeron for less than Php 20,000 max. Sabi naman ni DepEd spokesperson Michael Poa sa press briefing noong August 4, naghihintay lang daw sila ng feedback mula sa COA matapos nilang magpasa ng ‘documentary requirements’ patungkol sa pagbili nila ng mga nasabing laptops. “We are responding to whatever COA wants us to respond on. And then we’ll see kung ano iyong final determination ng COA,” sabi ni Poa. “We will always work and cooperate with COA for the improvement of our processes here in DepEd.”

Weh, ‘di nga?! Pero kidding aside, sana nga ay ma-reevaluate nga ang purchase nila nitong laptops na may chakang processor, marami pang better alternatives diyan, at mas marami silang mabibili for other teachers na mapakinabangan. On the other hand, if they insist on buying laptops under that 50k and above price range, siguraduhin sanang maganda ang specs para sulit ang pagbili, at para hindi rin sumuko agad sa mga kamay ng ating mga ulirang guro ang mga laptops na ito.

Ikaw, bibili ka ba ng laptop na may Intel Celeron for Php 50,000 and above? Hindi ka bibili? Sure Mamatey?

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!