ASUS Zenbook 17 Fold OLED: Ito Ang Future Ng Mga Computers!

Nangangarap ka ba dati na sana may ilabas na laptop na may natutuping screen, and the same screen can be used as a keyboard, while the screen is so huge yet portable? Introducing ASUS’s Zenbook 17 Fold OLED!

Finally, dumating na ang pinangako ng Asus for a while na akala namin, hindi pa possible, but here it is: the Asus Zenbook 17 Fold OLED. Ang mala-cyberpunk na laptop na ito ay isang tablet/laptop na hybrid, may foldable screen ito na may size na 17.3 inch. Sa resolution naman, 2560 x 1920 ito na may 4:3 aspect ratio.

Kapag naman ito ay na-fold, nagiging two 12.5 inch screens ito with 1920 x 1280 resolution at 3:2 aspect ratio naman.

The incredible list of advanced specs

Ang Zenbook 17 Fold OLED ay may 100 percent DCI-P3, naka-Dolby Vision na din at may Pantone validation (kung medyo picky ka sa mga kulay). Ang color and ambient light sensor niya naman ay may ability to adjust the brightness at mag-calibrate ng colors automatically.

Sabi ng ASUS, ang Zenbook 17 Fold OLED ay perfect for users na gusto ng maraming form factors depende sa hinihingi ng situation kagaya ng laptop mode na may included tactile keyboard, or puwede mo din gamitin ang touchscreen keyboard. Puwede rin siyang maging PC, tablet, book and may extend mode pa.

Sa PC mode naman, may faux-leather kickstand siya na nakakabit sa likuran para magamit niyo ang full screen real estate ng device. Sa tablet mode, siyempre hahawakan mo ito. Puwede mo rin itupi na parang libro if you’re feeling portable, at extend mode naman ang go-to mo dapat to maximize the the full display gamit ang kasamang wireless keyboard.

Sa usapang pagtupi naman, pinangako ng ASUS na kaya hanggang 30,000 bends ang hinge nito, kaya talagang matibay. Naka-12th Gen Intel Core i7 U Series processor na ito (siyempre, only the latest), Intel Iris Xe graphics, up to 16GB RAM ng storage at 1TB PCIe 4.0 x4 SSD. May 75W battery din ito, USB-C charger with 65W charger, 5MP camera na may ASUS 3DNR tech, HD infrared camera with Intel visual sensing controller at WIndows Hello.

Apat ang kaniyang speakers na may Smart Amp para lumakas ito ng 3.5x more, tuned na rin ito ng Harman Kardon at Dolby Atmos studio. Sa keyboard naman, mayroon siyang ASUS ErgoSense Bluetooth keyboard na sobrang slim at 5.5mm na may 1.4mm long key travel at Bluetooth 5.1. Naka 2x USB-C Thunderbolt naman ang Zenbook 17 Fold OLED na may kasamang 3.5mm audio combo jack.

The real question is, magkano ba siya? Well, base sa international prices, ang ASUS Zenbook 17 Fold ay nagkakahalaga ng $3,999 or Php255,400 dito sa atin. Pretty expensive, we must say. Puwede ka na magpagawa ng maliit na bahay diyan, bumili ng fancy na motor, bumili ng 2 1/2 na iPhone 13 Pro Max at iba pa. Pero bakit ba ‘to ganoon kamahal? Sabi ng ASUS, halos lahat kasi ng advanced technologies na available ay nasa laptop/tablet/PC hybrid na ito. Fair point, but if you manage to acquire one our fellow readers, patingin naman kami (Tingin-hawak-tagal, galaw-ulit)!

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!