Battle of the Fiber Plans: Sinong Pinakasulit?

Nagbabalak ka ba magpakabit ng fiber internet connection or mag-upgrade sa mas mataas na Mbps? Sa hirap kitain ng pera ngayon, dapat lang na sulit pero dekalidad pa rin ang makukuha mong internet, kaya pinagkumpara namin ang apat na leading internet provider sa bansa para malaman kung sino ang may pinakasulit na offers, at kung sino naman ang overpriced for us.

Anong internet service provider mo? Marahil Globe ka, or PLDT. Pupuwede ring Converge or Sky Fiber. Pero sino ba sa kanila ang pinakasulit? Unahin natin ang Globe: sa Plan 1599 nila, may 150 Mbps ka na, perfect pang work-from-home or online class, pero mayroon din silang Plan 2099 na may 300 Mbps, 500 Mbps for Plan 2499, at ang pinakatodo nila na Plan 3499 for 800 Mbps, for business or kung gusto mo talaga ng maximum speed connection. Not a bad start, check naman natin ang offers ng Sky Fiber.

Sa Sky Fiber naman, ang Plan 1699 mo, 50 Mbps lang– doon pa lang e medyo mahal na. Pero tignan muna natin lahat bago natin husgahan kung sulit or hindi. Sa kanilang Plan 2299, naka 100 Mbps ka, well medyo pricey pa rin. Sa Plan 2799 naman, 150 Mbps na ang mae-experience mo. Eh. Plan 3499 naman ang pinakamahal nila, at 200 Mbps lang ang makukuha mo. Well, kung may kasamang cable networks iyan, sigurado medyo mage-gets pa namin hanggang sa Plan 2799, pero kung hindi, masyado itong mahal para sa isang common consumer. Tignan naman natin ang offerings ng PLDT.

PLDT, ‘yung @#!%&#$*@ niyo! Joke lang, balita kasi namin, nag-upgrade na raw ang PLDT sa kanilang mga plans pero hindi nila binago ang presyo ng serbisyo nila. Sa 1699 Plan nila, may 100 Mbps ka na kaagad, mula sa dating 60 Mbps lang. Kung medyo galante ka, Ang Plan 2099 naman nila ay may 200 Mbps na kaagad, talagang afford na, limandaan lang ang idadagdag sa bayad. Dating 100 Mbps iyan, kaya massive improvement! Sa 2699 Plan naman nila, from 300 Mbps dati, ngayon 400 Mbps na! PLDT, sana ay laging stable ang internet ninyo (sana din masarap ulam niyo mamaya), kasi talagang value for money ang offers niyo! How about sa Converge? Ang hottest internet provider dati, mapanatili kaya ang kanilang staying power, or they will fall from grace? Let’s find out!

Sa Converge, ang Plan 1500 nila ay may increase mula 60 Mbps, ngayon ay 100 Mbps na! Sa Plan 2500 naman, 300 Mbps na siya, at sa halagang 3500, naka 800Mbps ka na din! So for opinion, affordable naman siya, kung hindi lang sa kanilang so-so customer service at long waiting sa pagpapakabit. Oh well, best wishes sa kanila, at sana mag-improve na sila sa future.

Sinong internet provider ang ini-stan mo?

May napusuan ka na bang fiber internet provider? Ano sa tingin niyo ang offer na sulit, at kaninong company naman ang hindi sulit in your opinion?

LATEST NEWS

1730968338416
Capture every moment with vivo V40 Lite 5G’s 50MP main camera and AI Aura Light
For those who thrive on capturing life’s beautiful moments, the vivo V40 Lite 5G is a game-changer. This...
Read More
1730969498312
vivo supports Filipino filmmaker’s dream to inspire climate action with V40
Award-winning independent Filipino filmmaker Joseph Abello has turned to the vivo V40 to bring his climate...
Read More
1730975788896
Canalys: Samsung Dominates Q3 2024 Smartphone Market, Apple and Xiaomi Follow Closely
Global smartphone shipments surged 5% year-over-year in Q3 2024, reaching 309.9 million units, marking...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0