Ngayong medyo mahina ang palitan ng piso ngayon, mabuti lang na turuan ang buong pamilya kung paano magtipid–kasama na ang mga bata. Introducing, GCash Jr! Ngayon, puwede na rin mag-ipon ang sons and daughters mo in no time!
Ngayon, hindi na lang para sa mga adults ang GCash, kundi puwede na rin sa mga kids and teens from 7 to 17 years old! May access na rin sila sa ilang digital financial services at promos!
Dati, para lang sa mga 18 years old and above ang GCash, accoording sa kanila, ang goal nila ay maturuan ng tamang financial choices at maging responsable sa kanilang money management. On the other hand, may access na sila sa online payments, Pay QR (kung isa silang K-Pop fan pambili ng overpriced na merch), pambili ng Garena Shells, VBucks, COD Points at marami pang iba, katulad ng GLife para sa mga food deals at balita sa latest fashion trends.
May limit na Php 50,000 sa daily incoming transactions ang isang GCash Jr e-wallets habang Php 100,000 naman sa outgoing transactions. Kaparehas naman sa normal na GCash, may KYC (Know-Your-Customer) system din sila. Kailangan lang din magpasa ng sumusunod na requirements tulad ng Student ID, Passport, or National ID. Sa kabilang banda, kailangan ng mga magulang ng GCash Jr. user na isama ang kanilang fully-verified GCash account for reference at kumuha ng selfie (ang magulang ng applicant) kasama ang isinumiteng ID ng minor. Required din sila na magpasa ng litrato ng kanilang birth certificate. Sakaling makapasa, makakatanggap ang user ng mensahe na ganap na silang fully-verified at puwede nang gumamit ng GCash Jr.
Siguro iniisip ng mga bata diyan sa bagong GCash Jr., “Eh ano naman kung may ganiyan, mag-iipon ako tapos ipambabayad lang din sa kuryente sa huli,” hahaha.