Infinix Hot 11 2022: Hindi Na Mapigilan Ang Infinix!

Hindi pa man nag-iinit gaano ang super sulit smartphone nila na Infinix Hot 12 Play, aba may panibago na namang astigin na release ang Infinix!

Lately, in-announce ng Infinix na ilalabas nila ang Infinix Hot 11 2022 sa August 30th. Sa unang tingin pa lang, mukhang rework ito ng last year’s Infinix Hot 11, but with a complete overhaul sa kaniyang specs, making it a standalone smartphone.

To kick things off, mayroon siyang malaking 6.7 Full HD+ IPS LCD display, at naka-punch hole notch na rin siya, kumpara sa ibang competitors na at the same price point, naka-waterdrop notch pa din– this is something they should watch about Infinix’s ability to stay on trend but at a super reasonable price still. Side-mounted na rin ang kaniyang fingerprint, na up-to-date talaga.

Pagdating naman sa usapang camera, hinding-hindi ka mabibitin, you know why? Dahil naka-dual 13MP camera na siya sa kaniyang likuran, at 8MP naman sa selfie cam na may selfie burst at Pro Mode pang naka-integrate! Sa kaniyang rear cams naman, may time lapse at slow motion option pa ito.

Dahil may reputation na ang Infinix sa gaming community– kaya ba ng gaming itong smartphone na ‘to? Mayroon siyang Unisoc Tiger T610 — common processor siya na madalas makita sa mga entry-level at some mid-range phones, 4GB RAM naman at 64GB ROM ang laman ng Infinix Hot 11 2022. Pretty decent para sa isang Infinix smartphone, if nakukulangan naman, puwedeng-puwede naman ito i-extend hanggang 1TB via microSD card. Base sa aming experience with Unisoc chipsets, to be honest, it’s slowly growing on us. Kung dati, lag-prone siya at almost restrictive siya sa multitasking at medium-load usage, ngayon ay medyo optimized na ang mga Unisoc processor at sa ngayon ay may laban na siya, so that’s an improvement. When it comes to gameplay, kaya niya naman maglaro ng games pero keep in mind na entry-level lang ito at hindi advisable na i-max ang frame rates/graphics quality dahil baka mag-throttle ang CPU (mag-init) kaagad.

Sa usapang battery naman, 5000mAh ang kaniyang capacity kaya hindi ka mabibitin anytime soon. Ang problema lang, if you’re in a hurry always, hindi ideal ang kaniyang 10W charger para sa ganoong mga sitwasyon, it will take you 3 hours to charge it full, so mas maganda siya i-charge during bedtime or kapag ‘di mo gaanong ginagamit ang phone. Nandiyan pa rin naman sa Infinix Hot 11 2022 ang mythical na headphone jack, at tuned na siya ng DTS, which is a rarity sa kaniyang halaga.

Available siya sa tatlong kulay: Polar Black, Aurora Green, and Sunset Gold. Mabibili siya for only 5,299 pesos sa Shopee, Lazada at TikTok Shop ng Infinix. ‘Yan ay introductory price nila sa official market release sa August 30th from the original price of 5,799.

For the full specs, check out this link: https://unboxdiaries.com/phones/infinix-hot-11-2022/

LATEST NEWS

infinix zero 30 4g pr
Infinix Launches ZERO 30, 50MP Front Vlog Camera Phone with 3D Curved AMOLED under 10K
Infinix ZERO 30 (4G version) reinvigorates mid-tier vlogging smartphone segment with 50MP 2K front camera,...
Read More
one plus 12 article
OnePlus 12: SD 8 Gen 3, 24GB RAM, 1TB storage, AnTuTu 2.33M
The OnePlus 12 takes the number spot on the AnTuTu benchmark with over 2.33 million points. The upcoming...
Read More
vivo v29e 5g pr
Merry limited-time offer! Get vivo V29e 5G for Php 17,999
This festive season, vivo beckons to all Pinoys with an irresistible holiday special on the captivating...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0