Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors

Infinix HOT Series Mega Sale, Starts at PHP 4,999 Na Lang!

That’s why we love Infinix e, mura na, competent pa ang specs, at ngayon…may pa-mega sale pa! Arat na, PHP 4,999 lang, may Infinix HOT phone ka na!

Nag-announce kamakailan ang Infinix na magkakaroon sila ng HOT sale simula August 3 sa kanilang Shopee at Lazada stores, Inuna nilang i-sale ang Infinix HOT 11 Play na may 64GB at 128GB models. Php 4,999 lang ang 64GB variant habang Php 5,999 naman ang 128GB model. Kung matatandaan, ang HOT 11 Play ay isang ulta-reliable budget smartphone na may 6.82-inch IPS HD+ LCD screen, na may MediaTek Helio G35 octa-core processor na may PowerVR GE8320 GPU, mayroon siyang 4GB RAM at 128GB internal memory na puwedeng ma-expand pa through external memory, meron din itong pagkalaki-laking 6000mAh battery at 18W USB-C fast charging mechanism, at sa Kalye Kamera naman, naka-13MP + AI Lens na may Quad Rear Flash pa siya.

Ang HOT 11S naman, mula sa dating Php 7,999 ay Php 7,299 na lang, Sa Shopee, mabibili pa nga ito on a much more lower price of only Php 6,999. Ang HOT 11S naman ay naka 6.78-inch, 90Hz FHD+ IPS LCD panel na, naka Helio G88 SoC processor na with 6GB RAM and 128GB internal memory na expandable din through microSD, plus a 5000mAh battery, may USB-C din at 18W fast charger, at 50MP + 2MP na may AI Lens at Quad Rear Flash also.

Ang Infinix Hot 12i naman, mula Php 5,499 naging Php 5,199 na siya! 6.6-inch HD+ LCD screen na siya with MediaTek Helio A22 SoC processor, PowerVR GE300 GPU, 4GB RAM, 64GB internal storage, 5000mAh battery na may USB-C/18W fast charger, at may kasamang 13MP camera with VGA at LED flash.

At panghuli, the Infinix HOT 12 Play! With a 6.82-inch display na may 90Hz refresh rate, HD+ TFT na rin ang quality ng screen, Unisoc Tiger T610 SoC naman ang processor niya at Mali-G52 GPU na rin, may 4GB/64GB, massive 6000mAh battery, at 13MP + Portrait at Quad Flash Light na siya. Dati, Php 5,999 siya, pero ngayon, Php 5,699 na lang! Oh ‘dibugh ang sulit!

Ano pang hinihintay ninyo? Ilabas na ang ipon, ang pinakatinatagong yaman ninyo o manghingi kay Nanay, Tatay, Ate, Kuya (gusto kong kape)! Anong Infinix HOT phone ang nagustuhan ninyo?

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Needs

Improvements