iPhone 14 Pro – the Latest Leaks and Rumors, Uncovered!

Get ready for the freshest, the latest, and the most hyped rumors and leaks from the Silicon Valley mga Apple fans!

Ang iPhone 14 Pro na yata ang mababansagang “the best ever iPhone” na gagawin ng Apple, mula sa kakaibang disenyo na talagang magbibigay ng distinctiveness nito kumpara sa iPhone 13 Pro, ang mga nasagap naming mga tsismis ay sobrang juicy– mula sa tuluyang pagkawala ng notch nito (sa wakas) hanggang sa pagkakaroon ng always-on display.

Watch our full video about this topic here!
The iPhone 14 concept art.

Kahit sobrang higpit ng kompetisyon mula sa ibang flagship phones kagaya ng Samsung Galaxy S22 Ultra at ang Google Pixel 7, mukhang kailangan talaga ng bonggang-bonggang level-up sa kanilang gameplan sa newest release nila sa Setyembre. And what do you know, dininig nga nila ang panalangin ng mga hardcore Apple fans dahil for the very first time since the original na incarnation ng iPhone, magkakaroon na ng 48MP main camera at iPhone 14 Pro, plus ang pinakabagong chipset ng Apple na ang A16 Bionic, which means that more processing power para sa pangmalakasang gaming at heavy usage, pero hindi pa ganoon kalinaw kung magkakaroon din ng same features ang ibang models ng iPhone as of this moment.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng regular iPhone 14 sa iPhone 14 Pro? Alamin natin. Unang-una, ang iPhone 14 Pro ay gagamit na ng advanced always-on-display na isang improvement versus the regular AOD. Ayon sa analyst na si Ming-Chi Kuo, nag-iba raw ng supplier ang Apple para sa 14 Pro’s camera lenses. Given, dahil nga lumaki ang megapixels at overall camera design ng iPhone 14 Pro. Isa pa sa balita ay magkakaroon na rin ito ng 6GB ng RAM (LPDDR5) kumpara sa nakaraan na LPDDR4X.

Up-close ng camera module ng iPhone 14 Pro.

At ang pinaka-exciting, newest-generation OLED displays na madalas din gamitin sa mga Samsung at LG Displays ang expected na makikita natin sa panibagong version ng iPhone.

Sa release date naman, as all Apple releases, papatak around September ang release nito, specifically sa 13th ng buwan na ito. After announcement siyempre, expect na natin ang sangkatutak na pre-orders pagtapos ng Apple event sa September 16, at predicted naman na ire-release after a week, likely siguro around September 23. Sampung araw ito makalipas ng usap-usapan na date ng Apple event.

According sa mga rumors, magsisimula raw ang presyo ng iPhone 14 Pro around $1,099–$100 na increase ito kumpara sa last year’s 13 Pro. Ang Pro Max version naman, maaaring pumalo ng $1,199. Medyo mahal, pero expected na iyan habang nagiging mas better at bago ang specs ng isang flagship phone.

Ayon kay Jon Prosser, isang well-known tipster na accurate na nag-predict sa mga recent Apple leaks, ang renders (3D artist rendition image) niya ay nagpapakita ng trio ng mga cameras nito, mas malaki din at mas makapal ng 0.2mm kumpara sa 13 Pro at 13 Pro Max. Mas magiging rounder rin daw ang corners ng iPhone 14 Pro (not Max) para mas sumakto ito sa bagong camera module setup.

Ang pinakakaabangang pagbabago naman sa iPhone 14 Pro ay ang removal ng pagkalaki-laking camera notch. Ayon kay Ross Young, magiging hugis-pill (like a Biogesic tablet) na raw ang notch para sa Face ID at isang punch-hole camera. Nagkaroon pa ng matibay na ebidensiya at credibility ang rumor dahil sa nag-leak na litrato ng supply chain na nagpapakita ng iba’t ibang display panel para sa lahat ng iPhone 14 models.

Kung balak mo naman gamitin ang case mo mula sa iPhone 13 Pro mo, mukhang hindi uubra ito dahil iba na ang hugis ng camera module ng 14 Pro na mas malaki. May mga usap-usapan kung magkakaroon ulit ng under-display Touch ID ang iPhone 14 Pro series pero, sabi nga ni Ming Chi-Kuo, mukhang malabo itong mangyari. Pero huwag malungkot, dahil ang pinakabagong iOS 15.4 raw ay kayang maka-detect ng user kahit nakasuot ito ng face mask, na sa opinyon namin, ay mas maganda kaysa sa Touch ID.

Sa usapang kulay naman, mananatili pa rin ang classic colors na Graphite, Silver at Gold para sa Pro series, pero may bagong addition: ang dark purple. May mga sabi-sabi rin na baka magkaroon ng Sierra Blue at Alpine Green sa future.

The iPhone 14 Pro in dark purple? Hmmmm…

Isa pang advancement sa iPhone 14 Pro ay ang inclusion ng USB Type-C. May mga sabi-sabi pa rin na baka Lightning pa rin ang gamitin na cable ng Apple, na may mas pinabilis na USB 3.0 dahil na rin sa EU protocol na maging Type-C lahat ng ports sa bawat smartphones na ire-release sa kanilang kontinente. Isa ring advancement ay ang pagkakaroon ng 120Hz refresh rate ng iPhone 14 Pro, dahil sa paggamit nila ng LTPO panel, puwedeng mag-switch ang device from 120Hz down to the lowest 10Hz setting, na malamang gagamitin sa battery saving features ng iPhone 14 Pro.

Sa size naman, mas pinalaki ang iPhone 14 Pro from 6.06 inches ng iPhone 13 Pro, at 6.69 inches sa 14 Pro Max kumpara sa 6.68 ng iPhone 13 Pro Max. Ito ay dahil daw sa slimmer na bezels (kanto) at ng bagong notch design. Ang bagong M12 displays naman na OLED ay reserved exclusively for 14 Pro and 14 Pro Max. Sa camera naman, 48MP ang rear main camera, habang upgraded ang front camera, dahilan para makakuha ng mas malinaw at maliwanag na photos ang mga users nito, ang bagong supplier nila ay Largam, dahil sa mga issues na rin nakaraan ng coating crack sa previous models.

Sa chipset naman, A16 Bionic na ang gagamitin ng Apple na mas improved ang performance nito. Sa baterya naman, lahat ng iPhone 14 models except ang Pro Max, ay may increase sa battery life.

Sa ngayon, ito pa lang ang alam namin sa iPhone 14 Pro at ang buong series. Habang papalapit naman ang release date, we’re sure here sa Unbox Diaries na mas magiging klaro at madaragdagan ang mga impormasyon about dito, kaya kapit lang.

LATEST NEWS

Only-Accident
Only an accident? Netflix's new password sharing rules were mistakenly posted
“We have since updated it”, said the Netflix spox to The Streamable about the Help Center...
Read More
Poco-x5-Unbox
POCO X5 Unboxing and First Impressions
This unboxing and first impressions features the brand new midrange hero with a productive but inexpensive...
Read More
Huawei-P60-Pro
See: Renders for Huawei P60 Pro with a redesigned look surfaced
Huawei is on a journey to give their P60 Pro a fresh new coat as seen in the images provided below! We’re...
Read More

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Needs

Improvement

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Super Sulit