Lei Jun, Ni-Reveal Na Ang Xiaomi Pilot Technology

Ni-reveal ng Xiaomi Group kamakailan lang ang development progress ng Xiaomi Pilot Technology ngayong araw, mukhang mas maraming electric vehicles pa sa future ang gagamit nang tech na ito!

Sa unang R&D at staffing update nila simula ng announcement ng pagpasok nila sa smart electric vehicle segment last March 2021, may kulang 500 days din simula nung pagbuo ng proposed tech na ito. Mukhang mas magiging kaabang-abang at innovative ito dahil plano pa nilang mag-invest nang RMB 3.3 na bilyon para sa pinakunang R&D phase ng autonomous driving technology ng Xiaomi, at talagang mas magiging on-the-lookout natin ito dahil, humigit kumulang sa 500 na professionals mula sa bawat sulok ng mundo ang nagsama-sama bilang R&D team nila. Ilang series pa ng valuable na acquisitions at strategic na investments sa upstream at downstream enterprises ay nagdulot sa Xiaomi para bumuo ng mas stable na pangmatagalang industrial capabilities sa larangan ng autonomous driving.

Ayon sa founder, chairman at CEO ng Xiaomi Group na si Lei Jun, “Ang autonomous driving technology ng Xiaomi ay nag-adopt ng isang self-developed full stack approach, at ang proyekto at nagkaroon talaga ng progreso na higit pa sa inaakala namin.”

Ang unang R&D phase investment na plinano sa halagang RMB 3.3 billion, talent recruitment at industry-wide na deployment

Simula noong inanunsyo nila ang pagsali nila sa smart electric vehicle industry, nanatiling committed ang Xiaomi sa larangan ng autonomous driving. Ang company’s zero-to-one breakthrough ay na-enable dahil sa heavy resource allocation nila sa R&D, sa maingat an pagpili sa hiring process upang ang industry’s best ang kanilang makasama, at investment sa upstream at downstream enterprises.

Ayon kay Lei Jun, plano ng Xiaomi na mag-invest ng RMB 3.3 billion sa unang R&D phase ng kanilang autonomous driving technology, at ang bilang ng team nila ay lumagpas na ng 500. Sa pagtatapos ng taon, inaasahang lolobo sa 600 na miyembro ang buong team.

Mula noong na-establish ito nung nakaraang taon, ang autonomous driving team ng Xiaomi ay umakit sa napakaraming nangungunang industry professional. Sa ngayon, ang limandaang member department ay may humigit kumulang na 50 industry experts na bumubuo sa pinaka-backbone ng grupo, at exceptional na educational backhground, 70% sa ito ay may hawak na master’s or doctorate degrees. Ang mga core members naman ng grupo ay may experience na rin sa pagtatrabaho sa ilan sa mga pinakatanyag na kumpaniya sa larangan ng AI. Ang expertise nila ay sumasakop sa lahat ng area na kailangan upang ma-develop ang autonomous driving technology ng Xiaomi, mula sensors, chips, algorithms, simulation, tool-chain, data platform, at iba pa.

Na-acquire naman ng Xiaomi ang autonomous driving startup na Shendong Technology. para mas ma-enhance pa ang expertise nila sa ADT (autonomous driving technology) at talent pool. Committed ang Xiaomi na bumuo ng mid-to-long term strategic industrial na capabilities na pamamagitan ng pag-invest pa ng RMB 2 billion sa higit kumulang na sampung upstream/downstream enterprises sa industriya ng autonomous driving field. Ang enterprises na ito ay sumasaklaw sa maraming kategorya kagaya ng: cpre sensors, core actuators, domain controllers, at iba pa.

Self-developed algorithm, hoping to become an industry leader sa smart EV industry by 2024

Nag-adopt ng self-developed full stack approach ang Xiaomi sa ADT nila, na nagko-cover sa lahat ng core areas kagaya ng hardware at software development, perception at positioning, at nag-focus sa full scale proprietary na solusyon para makumpleto ang closed-loop data capabilities. Ang approach na ito at naglalayon na maging accessible ang autonomus driving algorithms na mabilis na ma-apply depende sa gusto ng user.

Sa isang demonstration video, ang test vehicle ng Xiaomi ay nai-showcase as accurate, safe and intelligent assisted driving sa multiple scenarios kasama ang U-turns, roundabouts, at continuous downhill driving. Kasama ang pinaigting na emphasis sa parking, ang autonomous driving team ng Xiaomi ay nag-anunsyo ng innovative auto-parking solution na nag-cover sa scenarios tulad ng “reserved parking spaces”, “autonomous valet parking”, at “automatic robotic arm charging”. Sa hinaharap, mayroong other parking lot services ang magiging available, at para makapag-comply sa relevant national laws and regulations, may halong AI and service-oriented features ang idaragdag.

Na-mention rin ni Lei Jun na plano rin nilang bumuo ng 140 na test vehicles para sa unang phase ng ADT development nila, ito ay ite-testing sa buong bansa, na may aim na maging industry leader sa smart EV industry pagpatak ng 2024. Apart from utilizing internal resources, ang Xiaomi Auto team ay nakatanggap din ng suporta mula sa ibang division ng Xiaomi tulad ng Xiaomi AI Lab, XiaoAi AI Assistant team, at Smartphone Camera team para makabuo ng cutting edge na ADT experience. Sa loob lang ng isang taon, ang ADT ng Xiaomi ay naabot ang totoong 0 to 1 breakthrough, at naging panibagong force na sila na nakapukaw ng pansin sa industriya.

LATEST NEWS

tecno-spark-go-2023-vs-redmi12c
Tecno Spark Go 2023 vs Redmi 12C
Both Tecno and Redmi recently released entry-level phones, the Spark Go 2023 and the Redmi 12C. We shall...
Read More
SD-8-Gen-3-Specs-Leaks
SD 8 Gen 3 specs leak, 32-bit apps no longer supported
It’s the latest Snapdragon 8 Gen news again, now with improved info regarding the upcoming 8 Gen...
Read More
Poco-Issue
POCO X4 Pro 5G camera app crashes
Looks like the POCO/Xiaomi malfunction era hasn’t been cured yet, as a user from India experienced...
Read More

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Needs

Improvement

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Super Sulit