OPPO, OnePlus: banned na sa Germany!

Kung ikaw ay Pinoy na nakatira o nagtatrabaho bilang OFW sa Germany at balak mong bumili ng OPPO or OnePlus smartphones, mabuti pang ibahin mo na lang ang desisyon mo, kasi bawal na diyan sila!

Matapos manalo ang granddaddy ng mga cellphones, ang Nokia sa isang dispute laban sa OPPO tungkol sa isang 4G/5G patent na nangyari sa isang German court noong Biyernes. Ang buong gist? Ginamit ng OPPO ang nasabing Nokia patent kahit ‘di sila nagbayad ng lisensiya dito. Pinaboran siyempre ng korte ang panig ng Nokia, dahil doon, tumigil nang magbenta ang OPPO ng kanilang mga produkto sa German web stores nila.

Gumamit kami ng VPN na naka-address sa Hamburg, Germany, and upon checking— hindi na makita sa kanilang website ang mga OPPO products, hindi rin mahagilap ang add to cart o buy button. ColorOS, OPPO about section at tech support na lang ang puwedeng ma-access.

Sa OnePlus naman, nakikita pa rin ang mga produkto pero walang nangyayari sa pag-press ng buy now button, instead mapupunta ka lang sa 404 error page. Ang The Verge naman, nakatanggap ng confirmation na hindi na nga magbebenta ang OPPO at OnePlus sa buong Alemanya, at sinisisi nila ang Nokia lawsuit sa ‘napakamahal’ umano nitong patents. Ang mga BBK brands naman however, tuloy pa rin sa business as usual sa Germany, kaso sa 3rd party resellers na lang ang bagsak ng mga produkto nila.

Kahit isa ang OPPO sa may pinamalaking merkado sa industriya, hindi pa rin sila ganoon ka-relevant sa Germany at sa buong Europa base na rin sa datos ng Counterpoint. May 5 percent share lang ang OPPO last Q2 2022 habang mas mababa pa ang OnePlus.

Anong masasabi niyo about dito, aming fellow readers?

LATEST NEWS

gma
GMA unveils country's first AI-generated sportscasters
The popular TV network GMA Network is introducing the first-ever AI-generated sports commentators in...
Read More
13 and 13 pro
Redmi Note 13, Note 13 Pro: Amazing cameras, big batteries, and attractive color variants
These mid-rangers let you capture beautiful photos with all-day battery life and excellent performance...
Read More
redmi pad se launched copy
Redmi Pad SE launched with SD 680, 11-inch LCD, and huge 8,000mAh battery!
The Redmi brand has recently launched the Redmi Pad SE alongside the Redmi Note 13 Pro and 13 Pro+ models....
Read More