Tablets are in this limbo, whereas maraming mura, pero mas masaklap pa sa normal na entry level phone ang specs, or sobrang mahal naman na it will cost an arm and a leg. Pero thankfully, I think the OPPO Pad Air will fill that gap between the two with its decent price and decent specs…
The OPPO Pad Air is a thing of beauty, not only na perfect siya for casual use, it can handle some taxing multitasking (uy, may rhyme) thanks to its robust na specs. In a world na kung saan ang focus ng mga smartphone brands is to… well, market their smartphones, usually nawawalis lang under the bed ang about sa ibang products nila katulad na lang ng tablets (except for Apple’s iPad), they put no effort into making one at ang ending, pupulutin sa kangkungan ang tablets nila because of how bad it is specs and design-wise.
Enter OPPO Pad Air, kung struggling ka sa paghahanap ng maayos na tablet, we are pleased to say na pasok sa panlasa namin dito sa Unbox Diaries and tablet na ito. Yes, obviously we think that heavily inspired siya from the iPad itself, pero ang specs at presyo naman nila ay sobrang magkalayo by a mile.
For example, it has the Snapdragon 680 4G processor, and here at Unbox Diaries lahat kami ay may telepathic abilities kaya uunahan na kita: “parang mabagal naman ata ‘yan?” We hear you our fellow reader, pero it’s really not because makikita madalas sa mga mid-range smartphones ang ganitong chipset, and with an AnTuTu benchmark score na 219,000– it can run most apps, and play most games without trouble, so approve na approve ‘yan for us.
Sa display, hindi ka mabibitin sa OPPO Pad Air, dahil mayroon siyang massive 10.36-inch display na 2K na din, which is very rare and impressive for a tablet with ganitong price point. It’s large at super vibrant at sharp ng resolution! Isa pa, this tablet won’t let you down kahit pa gamitin mo buong araw, ay sure na kayang-kaya because of its 7100mAh battery! This is the point where we convince you that having a Snapdragon 680 processor is actually an advantage dahil hindi power hungry ang chipset na ‘to, ‘di ba naging advantage pa siya!
At ang biggest shocker dito: mayroon siyang not one, not two or three… four speakers sa isang OPPO Pad Air, at hindi lang ‘yan, Dolby Atmos tuned na ‘yan kaya rich and immersive and panonood ng pelikula, videos, o paglalaro ng games. And for the price of Php13,999, masasabi namin na hindi na ito masama sa kaniyang price. Pero if namamahalan kayo at this price point, keep in mind na walang masyadong magandang tablet na may better specs under 10k, lahat ng price ay napupunta either sa screen or battery. In conclusion, you won’t mind spending a little more than 10k if you want the best tablet na hindi iPad. Pero kung hindi mo trip, baka ang best mo ay maging bezels na lang, dahil ang mga tablets under 10k ay prone sa “bezels na may kaunting screen” na phenomenon.