Razer, May Gamer E-Scooter Na!

Hindi pa ba sapat sa ‘yo ang clout na dala-dala ng pagiging isang gamer na naka-Razer phone? Drive in style or maybe, puwede kang maging the coolest Grab driver with this e-scooter moped!

Nakamotor ka ba? Boring. Bike? Masakit sa tuhod. Skateboard? Cringe alert! Tsikot? Bruh. Pero, kapag naka Razer E-Scooter ka, mala-Cyberpunk 2077 ang datingan mo (minus the bugs, siyempre). Inanunsyo ni Razer CEO Min-Liang Tan ang collaboration with NIU para sa kanilang NIU x Razer SQi Edition Electric Scooter sa kaniyang Twitter account, sabi niya sa kaniyang post:

Super excited to announce that we’ve partnered up with @niumobility on a limited-edition NIU X Razer SQi Edition electric scooter. Demand for it has been overwhelming; we’ve released it yesterday in China and it was all sold out in just 2 seconds!

Min-Liang Tan, Razer CEO, via Twitter

Base sa renderings, ang signature NIU halo headlight ay kitang-kita sa e-scooter, pero ang overall na disenyo ay hindi tipikal para sa Razer na hindi gaanong mahilig sa medyo precise na shapes at aesthetics. Ang NIU x Razer SQi Edition ay isang electric smart motorcycle na may optimum speed na 25 kilometers per hour. 50 kilos lang ito at removable ang baterya niya na may 48 volts, at puwede rin i-push ang bilis nito hanggang 65 kilometers, dahilan para puwede itong magamit bilang isang daily commuter vehicle.

Very vintage looking like a Royal Enfield but with modern, even futuristic sensibilities.

Tanyag ang NIU sa kanilang mga dekalidad na battery packs, at talagang futuristic ang peg nitong e-scooter nila dahil may connectivity rin ito sa kanilang smartphone app. Ano ang gamit nito? GPS, locator ng kanilang e-scooter, battery health monitoring, vehicle diagnosis at settings to customize it, kagaya ng pagpapalit ng hue ng ilaw at iba pa.

Kung susumahin, ang NIU × Razer SQi gamer e-scooter ay papatak ng – CNY 9,999 (o PHP 82.5K sa atin). Sold out sa Tsina ngayon ang NIU X Razer SQi Edition electric scooter at wala pang balita kung magiging available ito sa ibang bansa kagaya sa atin sa Pilipinas. Sana magkaroon nga para naman maging full-on gamer ka na with this! Ang tanong, puwede bang maglaro habang nagmamaneho? Siyempre, hindi. Gusto mo bang…mamatey?

LATEST NEWS

gma
GMA unveils country's first AI-generated sportscasters
The popular TV network GMA Network is introducing the first-ever AI-generated sports commentators in...
Read More
13 and 13 pro
Redmi Note 13, Note 13 Pro: Amazing cameras, big batteries, and attractive color variants
These mid-rangers let you capture beautiful photos with all-day battery life and excellent performance...
Read More
redmi pad se launched copy
Redmi Pad SE launched with SD 680, 11-inch LCD, and huge 8,000mAh battery!
The Redmi brand has recently launched the Redmi Pad SE alongside the Redmi Note 13 Pro and 13 Pro+ models....
Read More