It’s time na para alamin kung saan ba papasok sa ating tier list itong realme C30, pero ano naman kaya ‘yung advantages niya, or baka puro lang siya a e s t h e t i c s ?
Ang realme C30 ay isang entry-level smartphone na ni-release noong July 20, 2022. Bukod sa kaniyang attractive back design, binibigyan nito ang mga consumers on a budget na magkaroon ng isang nice-looking phone without the hefty price. Pero ang tanong, super sulit kaya ito or overpriced? We will find out.
Pag-open pa lang ng box, na by the way, hindi siya pabukas like two boxes fitted into one, kundi one box, encased in another square-shaped covering na gawa sa manipis na cardboard. Inside, bubungad sa inyo ang classic realme tag na “Hey, welcome to the realme Family”.
When you lift that mini cardboard box (na hindi na nila inabalang takpan ang ibabaw) at buksan ito, makikita sa loob ang the following: ang sim ejector pin, quick start guide at warranty information guide.
Makikita naman natin next ang realme C30 itself, encased in a translucent plastic bag, pero mamaya na iyan. Makakakita pa tayo ulit ng isa pang cardboard kung saan naka-rest in position ang smartphone, at kapag inangat ito, makikita naman natin ang kaniyang charger at ang yes…sadly a microUSB cable, so you know what that means…
The back
Mapapansin natin ang kaniyang textured back sa unang glance pa lang: it’s like those grip patterns na madalas makita sa mga hiking backpacks, suitcases or even water jugs. Masarap siya hawakan and cold to the touch. But for the very first time, hindi nag-attempt to hide in any way possible ng realme ang kaniyang single cam module with full of false holes na hindi naman talaga camera.
Smooth naman ang part kung saan nakalagay ang camera at flash. Super thick pa ang logo groove ng realme, giving it a premium feel.
The sides
Ang unang mapapansin kaagad sa sides niya is mukha siyang iPhone, and that’s a plus for the aesthetics. Wala kang makikitang kahit ano sa upper part niya, habang sa left side naman, nandiyan ang sim tray na kayang mag-accommodate ng two sim cards at microSD up to a massive 1TB of storage.
Sa kaniyang right side naman makikita ang volume buttons at power button, at sa ilalim naman ang makikita ang 3.5mm headphone jack, microphone, ang microUSB charging port at ang kaniyang nag-iisang speaker.
The display
Mayroon siyang 720 x 1600 IPS LCD display, 6.5 inch ang kaniyang laki, HD+ na, at may…waterdrop notch pa din ngayong 2022. For its price, they should have gone for punch hole na since maraming competitors niya around this price range ang naka-punch hole na.
Pagdating naman sa kaniyang outdoor use advantage, madidiliman ka talaga, because at only 270 PPI, hindi siya perfect na gamitin sa labas. Sa bezels niya naman, it still left a lot to be desired.
The twin cameras
Ang camera niya naman ay dadalawa lang, pero wait lang, let’s know since we believe in the less is more mantra. 8MP ang kaniyang rear cam na may rear flash, habang 5MP naman sa kaniyang selfie cam. 1080p ang max video recording resolution ng rear cam habang 720p lang ang kaya ng selfie cam.
It’s pretty far from decent and it should be appropriate to ask for more at this price range, it’s like a half-baked camera setup for a decent sum of cash.
The battery
When it comes to the battery capacity, medyo bumawi ang realme C30, equipped with a 5000mAh Li-Po battery, pangmatagalan na siya. Ang problema, when you’re done and ready to charge, matagal din ang charging, because of its 10W charging brick.
Hindi rin nakatulong na naka-microUSB lang ito, mas madali masira at mabagal mag-charge. 720p lang ang display so mas tipid naman sa battery health.
How about gaming on this?
Gaming on the realme C30 has been very frustrating. With only 2GB of RAM and 32GB of internal storage– kung gamer ka, you should be looking for other phones. Despite the entry-level Unisoc Tiger T612 processor na medyo optimized na sana, hindi ito na-utilize ng mismong phone.
Despite the medium graphics and high refresh rate options sa Call of Duty: Mobile, it’s nearly unplayable once you max the frame rates and graphics. Setting it sa lowest settings makes it bearable enough to play, pero hindi enjoyable.
Surprisingly, hindi naman siya ganoon kalala pagdating sa Mobile Legends. Pero, ML isn’t that demanding naman sa graphics. ML can run on the most potato phones ever smoothly. Sa Genshin Impact naman, huwag mo na pangarapin.
Other specs
4G, Wi-Fi, Bluetooth 5.0, may GPS na din, walang NFC pero may FM radio, may OTG function naman ang microUSB port ng realme C30.
Glass front, at lahat na plastic from back to frame ang build ni realme C30, may bigat siya na 182 grams. Sa sensors naman, nandiyan ang ambient light sensor, proximity sensor, accelerometer, at face recognition– pretty basic stuff. Ang OS niya naman ay Realme UI Go mula sa based OS na Android 11.
Available naman siya sa mga kulay na Lake Blue, Black, at Bamboo Green, at nagkakahalaga ng Php5,499.
WHAT WE LIKE:
✔ Big battery (5000mAh)
✔ Durable and elegant textured back finish
✔ iPhone looks, unique design
WHAT WE DISLIKE:
✘ microUSB port in 2022
✘ Waterdrop notch in 2022
✘ Small internal storage and even smaller RAM
✘ No jelly case inclusion at this price range
✘ 720p with TN-looking display may seem too dark and pixelated for your likings
✘ 10W charger only
✘ Muddy loudspeaker quality
✘ Poor camera quality
✘ Not for medium or heavy usage (prone to throttling)
✘ Too expensive
FINAL VERDICT: OVERPRICED (☆☆ 2.3/5 stars)
Masyadong mahal ang presyo ng realme C30 para sa kaniyang specs, ang mga katapat niya like Tecno Pop 6 and Itel Vision 3 for example, is offering a lot more and being much more cheaper. The realme C30 is the small budget version of another similar blunder, the realme C35 with the same tactics and price to specs ratio. Better off buying much better smartphones within this price range.
Go to unboxdiaries.com homepage then find the 10K Tier List pop-up, click it and you’ll be able to see the tier list.