Tecno Pop 6 – Saan Kaya Nabibilang Sa Ating Smartphone Tier List?

Now is the time na kailangan nang hatulan ang Tecno Pop 6 – a small, humble smartphone under 4k, na ang sabi-sabi e para daw for ‘kids’ lang exclusively. But we disagree, I think Tecno Pop 6 has more to offer…

Obvious na obvious naman, we are huge Tecno fans dahil sa competitive specs nito matched with its affordable price– pero ang siste, itong Tecno Pop 6, nagpataas sa kilay ng ilang Tecno fans maging mga casual consumers, dahil nga entry-level ito, hindi ito for you kung picky ka sa specs.

Display

6.1 inch IPS LCD ang kaniyang display with waterdrop notch, something na dapat ay naka-punch hole na dapat, pero it’s still reasonable dahil sa kaniyang price. Sa unang glance naman, makikita mo kaagad ang kaniyang thick bezels, at sa side ng display, may mapapansin ka rin na even more bezels, raised siya kaya nakaangat ang screen. Mukha siyang rugged phone sa harapan without the ruggedness, only the looks since the Tecno Pop 6 is neither waterproof or dust-proof. 720p ang kaniyang resolution, which kahit mababa based on today’s standards, power saver naman ang ganitong display at hindi naman gaano nakakaapekto sa experience when watching, scrolling, or gaming.

My front, my back, may loudspeaker siya sa back!

Yes, it’s been ages since nakakita tayo ng modern smartphone na may back-firing loudspeakers. Ang norm kasi ngayon is either sa ibabang part ng smartphone or front-firing ang speaker. So maybe that’s a plus? Sa kaniyang likuran naman ay kakaiba, more of the ruggedness look with some pizazz ang approach ng Tecno sa Pop 6. Bukod sa stylish at preppy ang kaniyang camera module design (na may mala-Sharingan na aura sa QVGA part, and the capsule shaped flash) and setup, may honeycomb texture integration pa ito meaning, may grip sa kaniyang paghawak dahil sa raised patterns, matching with a sunray effect kapag nasisilawan ng kahit anong light source. Mukhang gusto ng Tecno na alagaan mo ang Pop 6 kahit entry-level ito. Bukod pa doon, talagang pinag-isipan pa rin ng Tecno ang disenyo ng likuran at hindi na lang basta nagsampal ng smudge-magnet na plastic back na karaniwang makikita sa smartphones na entry level.

The sides

Sa kaniyang ibabaw na part, makikita ang mythical na 3.5mm headphone jack, sa left side ang SIM tray with dual Nano-SIM slots at bukod na tray para sa microSD for expandability up to 256GB. Sa right side naman makikita ang volume buttons at power button, while sa ibaba makikita ang microphone slit, at microUSB charger– yeah, a letdown for us, sana nag-Type C na lang din pero, remember: entry-level phone ito.

Picture-picture aaaaahhhh! (picture-picture ahhh what a beautiful daaay)

Sa usapang camera, parehas 5MP ang kaniyang front and rear camera at parehas may flash (a rarity sa mga selfie cam modules), habang may isa pang bilog para sa QVGA Camera slot, we guess? We take it back, mukhang design choice lang ito because kahit tutukan namin ng flashlight ay wala kaming maaninag sa sharingan-esque ‘second’ camera slot. Sa video quality naman, hindi siya maganda, hindi rin kapangitan. The right word is serviceable, it does the job, but don’t expect any fancy tuning with the Pop 6.

Will.It.Game?

Dahil sa kaniyang 2GB RAM at 32GB ROM, Mediatek MT6739WA na may Quad-Cores, at PowerVR IMG GE8100 GPU– mukhang magiging challenging ang paglalaro dito sa Pop 6 since hindi siya ginawa for gaming, this acts as a quick second phone or a reliable phone for light to medium usage, or bagay sa mga taong gustong magbawas ng smartphone usage sa kanilang everyday routine. With an AnTuTu score of 51,365 points, it’s close to a feature phone than an Android one. Puwede pa rin naman siya makapaglaro ng games like Mobile Legends, Temple Run 2, Subway Surf at iba pang light to medium games, pero baka mag-lag when it comes to Call of Duty: Mobile, Free Fire, Minecraft, or even Roblox.

Battery power?

Pagdating sa battery, champion na champion naman siya pagdating dito, dahil 720P lang siya and 60Hz refresh rate, makakatipid ka talaga, baka umabot pa ng 2 days max ang Tecno Pop 6 with regular use. Sa charging rate naman, doon kami medyo nalungkot. Although malaki ang battery niya, aabutin ka naman ng siyam-siyam sa pagtsa-charge dahil 5W lang ang charging brick nito, so better i-charge kapag matutulog or wala kang gagawin for the day.

D’Anothers

4G LTE ito, 270 ppi, may WiFi 802.11, Bluetooth, GPS, FM radio, may ambient light sensor, proximity, at accelerometer din ang Tecno Pop 6. Tumatakbo naman ito gamit ang Android 11 Go Edition (or Lite version ng A11) para sa OS. Available ito sa dalawang kulay: Sea Blue, and Lime Green. Na-release siya noong July 25, 2022 at nagkakahalaga ito ng Php3,999.00.

What we like:

✔ Big battery (5000mAh)

✔ Rugged look with durable honeycomb back finish

✔ Dual Nano-SIM tray with separate microSD tray

✔ Back firing speaker that is decent sounding

✔ Android 11 Go Edition that’s appropriate for its specs, prevents the phone from throttling

✔ 720P display, which is a huge battery saver

✔ Can handle light to medium workload

✔ Front camera flash (rare)

✔ Cheap

What we dislike:

✘ microUSB for charging port

✘ Massive bezels

✘ Only 5W charger

✘ Basically can’t play FPS games or AA/AAA games

✘ So-so camera

✘ Waterdrop notch

Our final verdict: SAKTO LANG (3.3/5 ☆☆☆)

We got to cut some slack para sa ating Tecno Pop 6, despite its shortcomings, its still a pretty serviceable phone na hindi na masama for its price, just manage your expectations, or better yet, buy a refurbished one kung masyadong namamahalan.

For the full tier list naman, just go to our homepage unboxdiaries.com then find the 10K TIER LIST sa home to see the tier list itself!

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!