Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors

Tecno Pop 6: Saan Kaya Siya Nababagay sa Ating Smartphone Tier List?

Ah yes, the old reliable— Tecno Pop 6. For only Php 3,999 SRP, saan kaya siya nabibilang sa ating prestigious smartphone tier list? Let’s analyze the smartphone itself!

Where do we start dito sa Tecno Pop 6? It’s a humble looking, almost lowkey looks like a dependable daily driver at first glance. It comes in a standard box with the smartphone itself gracing the front cover with the text “32GB + 3GB Large Memory”. Hmmm, we can’t say that is large by today standards, pero hindi natin maide-deny na malaki naman ang battery capacity niya at 5000mAh. The way the box opens isn’t your usual two piece phone box that can also open if you hold it high above the ground and let gravity do its work. No, it’s like a box inside a sleeve na kailangan mo munang alisin to reach the contents inside.

Inside, makikita mo kaagad ang unit after breaking the tamper seal, then makikita mo ang kaniyang microUSB charging cable at 5V na charger na medyo maliit, aakalain mo pa na charger. Then makikita ang hard case, warranty card, guide, at ang sim ejector pin.

This phone feels like a nostalgia affair as this phone looks like this was made from 2013. It’s thick bezel might be too outdated by 2022 standards, but at only Php 3,999 it should be fine. 6.1 inch ang kaniyang display, IPS LCD siya, 720 x 1560 ang kaniyang resolution at waterdrop ang kaniyang notch, at makapal ang kaniyang bezels… just like the old days.

Kapag tiningnan naman ang kaniyang likuran, makikita na may honeycomb texture siya (na kung saan din nakalagay ang loudspeaker) na masarap hawakan at hindi kapitin ng fingerprints. Nasa itaas na part ang kaniyang headphone jack, sa kaliwa naman ang sim tray na may dual nano-sim slot at may dedicated microSD slot for expandability up to 256GB. Sa kanan makikita ang volume rockers at power button. Sa ilalim, ang kaniyang microUSB charger at microphone.

Sa usapang camera, mayroon siyang 5MP main + QVGA camera sa rear, at 5MP din sa front cam, parehas naman silang may LED flash. About naman sa kaniyang gaming prowess, bagama’t 2GB lang ang kaniyang RAM, at MediaTek processor na hindi namin mabigkas ng maayos ang pangalan (MediaTek MT6739WA), hindi siya advisable for heavy games, or games in general at all dahil naka-Android 11 Go Edition lang siya, and on top of that, pupuwedeng hindi sapat ang 32GB na internal storage sa gaming mo, at kailangan mo na kaagad mag-expand via external storage. Sa usapang baterya naman, may 5000mAh Li-ion battery siya, kaya ‘di ka mabibitin for the whole day. Medyo mabagal nga lang mag-charge ang included na 5W na charger so it’s better na mag-charge sa gabi or bago matulog (on a dead battery siyempre para maiwasan ang electrical problems).

And that’s it! Let’s summarize what we love and don’t like about the Tecno Pop 6:\

LIKES:

✔ The price (Php 3,999)

✔ The battery (5000mAh)

✔ The back design (not fingerprint prone and with textured honeycomb design)

DISLIKES:

✘ Thick, distracting bezel all around

✘ 5W charging brick (or keychain because of how small it is), not efficient to charge the phone decently

✘ So-so processor (MediaTek MT6739WA)

✘ microUSB charging port

✘ Half-decent camera set-up

Pagtapos ng medyo matagal-tagal na usapan at debate about kung saan namin ilalagay ito, we decided that this phone is Sakto Lang. It’s fairly decent, and a nice choice if you’re looking for a smartphone na hindi kamahalan and at the same time, isa kang casual phone user, or for backup purposes, puwede ring smartphone for the young ito.

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Needs

Improvement