Vince Domingo, retired na sa unboxing: “Maging ahente na lang ako ng PHLWin”

Eksklusibo: Vince Domingo, ayaw na sa Unbox Diaries, masyadong mahirap daw mag-unbox, kung puwede naman kumita passively sa panloloko sa mga subscribers niya

Personal na nakausap ng Unbox Diaries News si Vince Domingo, 21 years old, na nakatira sa Suplex City ang mga sabi-sabi na balak niya na raw magretiro sa pagiging unboxer sa kaniyang YouTube channel na Unbox Diaries.

Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik ukol sa isyu ng PHLWin na isang panibagong breed ng pyramid scam, dahil sa business model nitong pagre-recruit sa mga tao na magsugal, binasag na ni Vince mismo ang katahimikan.

“Alam mo ‘yun, mahirap kumita ng pera lalo na kapag honest work ang ginagawa mo bro,” sabi ni Vince sa aming correspondent na si Pransis Mendoza, habang kumakain ng Aice (Sweet Corn flavor na may mukha ni Messi) Ice Cream at habang nakaupo sa doorstep ng kanilang office katabi ang tae ng pusa na nabilad sa araw.

“You know, paano ko isu-sustain ang lifestyle ko? Lumalaki ang business, dumadami ang work, mas nagiging stressful para sa akin ang lahat. Dati kapag lumalabas ako ng bahay, walang pumapansin sa akin. Ngayon, pagkatapak na pagkatapak ko sa labas ng bahay namin, hindi puwedeng walang sisigaw at magpapa-picture sa akin with matching nganga. Nami-miss ko rin ‘yung old days na simple lang ang buhay ko,” dagdag pa ng Unbox Diaries star.

Tinanong rin namin ang kaniyang desisyon sa pag-transition bilang YouTuber to full-blown POGO agent. “Last night, you know lagi ko namang pino-post ang about sa mga scammers at mga endorsers nila na mga influencers na mas sikat pa sa akin at mas malaki ang kita in every other aspect.

“Then there’s Xian Gaza na talagang naabot na ang peak wealth dahil pa-cruise-cruise na lang sa iba’t ibang bansa habang may kaliwa’t kanang legit (naubo) na business at maraming fans at investors na handang payamanin siya este–payamanin ang mga supporters.

“Naisip-isip ko, if you can’t beat them, join them. ‘Yun pala ang susi sa success, ang mantapak ng tao, manloko, and higit sa lahat, be greedy. ‘Lam mo ‘yon, it’s a wild, wild world. Only the strongest survives. Matira matibay, ‘di ba?”

Pagkatapos ng aming interview sa kaniya ay plano niyang i-shutdown ang kaniyang YouTube channel, social media accounts at ties sa YouTube community. Plano niya ring ibenta ang kaniyang mga ari-arian kasama ang kaniyang recently purchased house upang mag-invest sa kaniyang sariling POGO business.

Inaanyayahan kayo ni Vince Domingo (now WinsdominPOGO) na mag-invest at “kumita” sa kaniyang online gambling na sure win kayo sa unang try, and then pagtapos ay sisimutin ang pera niyo, no refunds dahil sugal ito, and minimum deposit ay Php30,000 pesos para sulit ang maii-scam sa inyo.

This is Vince Domingo, signing off to a new beginning, our new POGO business.

LATEST NEWS

LG StanbyME copy
This new LG StanbyME Go Portable Monitor will change everything about picnics
Picnic enthusiasts, gather around because this brand new LG StanbyME Go Portable Monitor will take your...
Read More
TECNO Phantom V Fold Launch copy
TECNO Phantom V Fold 5G launch takes the Philippines by storm!
TECNO has just unleashed its latest innovation in the Philippine market, the TECNO Phantom V Fold 5G!...
Read More
Snapdragon 8 Gen 2 Cost more copy
Snapdragon 8 Gen 2 costs more than the A16 Bionic and this could be bad!
It turns out that the mighty Snapdragon 8 Gen 2 processor costs smartphone makers more dough than Apple’s...
Read More