Long ago, maraming mga phones ang hindi masyadong sulit when it comes to being a daily driver dahil either mahal or mabagal. But enter vivo Y02s, reasonably price while also hindi kabagalan. Let’s get to know it!
Pagbukas pa lang vivo Y02s ay mapapansin mo na kaagad ang kaniyang elegant packaging, it comes with a plain white box art, with the Y02s name embossed with silver na talagang nagbigay ng excitement dito sa Unbox Diaries HQ. Sa likuran ng box ay nakalagay ang kaniyang key features na paguusapan natin later.
Pagbukas, makikita na kaagad natin ang Y02s na instant na pupukaw sa atensyon natin: but first, tignan muna natin ang paperworks at accessories. Makikita ang Quick Start Guide at Important Information/Warranty Card. Nasa box din ang ilang sticker ng IMEI number ng unit, for recording/repair purposes or kung gusto mo lang ng kakaibang stickers for fun. Nandiyan din ang kaniyang 10W charger at Type-C charging cable. Wait, bago makalimutan, may inclusion siya na sim ejector pin.
And mabalik na tayo sa phone itself, kung mapapansin niyo, wala siyang jelly case, pero ayos lang iyan dahil hindi mo na gugustuhin mag-jelly case kung ganito naman kaganda ang kaniyang back! Nasa amin ang Vibrant Blue color and as you can see, talagang may gradient effect pa siya— as you can see naman, ‘yung kulay niya ay nagsi-shift from blue to bluish green to shades of gold! Nag-compliment pa ang kaniyang camera module na mukhang dalawa, pero isa lang talaga siya, bali camera flash kasi siya na pinagmukhang camera din. Pero hindi naman siya weakness, dahil with a decent 8MP and a large flash, hindi magiging pangit ang experience mo with this phone. Sa kaniyang front cam naman, mayroon siyang 5MP selfie na super decent din having vivo’s reputation pagdating sa camera.
Pagdating naman sa kaniyang display, 6.51 HD+ Halo FullView Display na malaki na and full of vibrance pa ang mga colors kung trip mo ‘yung mga ganoong color scheme. Pagdating naman sa kaniyang processor kung mahilig ka sa gaming, bagama’t 3GB lang ang RAM at 32GB ang external storage, kayang-kaya nito maglaro ng games such as Call Of Duty: Mobile (Low graphics, medium frame rates), at High graphics at high frame rates sa Mobile Legends kaya no problem iyan!
Kung mahilig ka naman sa music, nandiyan ang kaniyang single speaker at 3.5mm headphone jack, naka Android 12 na siya at Funtouch 12 na complimentary OS ng vivo.
In conclusion, kung medyo short ka sa budget pero gusto mo ng smartphone mula sa isang reputable na brand, then look no further than vivo Y02s, it’s a decent phone na medyo pricey by today’s standards, but for the elegance, the name and the assurance na magagawa mo pa rin ang mga task mo ng maayos making it a trustee daily driver sa iyo if you choose to purchase it. Click this link to know more about the specs: https://unboxdiaries.com/phones/vivo-y02s/