vivo’s newest Y22s Smartphone launched in Vietnam!

Lately, ni-release na sa Vietnam ang pinakabagong smartphone ng vivo na Y22s, sa unang tingin, mukha lang siyang budget phone, pero is there really more than meets the eye?

Hindi na talaga mapigilan ang constant banger smartphone drops ng vivo, dahil kamakailan lang, na-launch na sa Vietnam ang vivo Y22s– we know, a kind of hindi ganoon ka-captivating na name, but don’t be fooled by the name and first impressions of it, dahil may mga itinagong surprises ang smartphone na ito just for us, all the right reasons para i-consider the hype surrounding it when the times comes na mare-release na ito sa Pilipinas (hopefully, fingers-crossed).

To kick things off, may 6.55 inch display ang Y22s, IPS LCD siya na may 1612 x 720 — 530 nits ang peak brightness niyan, with 90Hz refresh rate on top of a waterdrop notch, to which gives us a hint na baka entry-level phone siya dahil sa mga naunang specs na ito. Pero, again huwag muna tayo manghusga kaagad dahil ang processor nito ay nakakagulat: Snapdragon 680 4G chipset siya, na bibihira mo makita sa isang entry-level na models.

Sa usapang storage naman, hindi ka na mabibitin dahil ang Y22s ay may 8GB of RAM at 128GB of internal storage, kaya talagang easy-peasy lang ang intense gaming sessions at multitasking dahil napakadali niyang maiha-handle ito. Expandable pa siya up to a massive 1TB! Sa usapang battery naman, naka-catch up ito kaagad sa latest in battery standard with a 5000mAh with 18W of fast charging capabilities, not bad!

Ngayong solved na ang mga problema mo sa battery, paano naman ang camera? Well, vivo being one of the trusted brands pagdating sa camera: with a 50MP wide camera and 2MP macro lens, siguradong hindi bitin ang pag-capture mo sa mga favorite moments mo. Sa front naman, may single 8MP selfie cam naman na capable mag-shoot ng gorgeous portraits, at parehas ng main at front ay kayang mag-record ng video up to 1080p@30fps.

May side-mounted fingerprint na rin ang vivo Y22s, Dual Nano-SIM, Wi-Fi 6, Bluetooth 5.0, GPS, at kung nanghihinayang naman kayo dahil hindi siya 5G, naka 4G VoLTE naman siya so ideal pa rin for everyday needs, at dahil scarce pa rin naman ang 5G towers sa Pilipinas, hindi siya maituturing na deal breaker for us. Android 12 ang OS ng Android 12 via Funtouch 12 ng vivo, at may bigat siyang 192 grams. Available siya sa dalawang colors: Starlit Blue and Summer Cyan.

For full specs, click on this link right here: https://unboxdiaries.com/phones/vivo-y22s/

LATEST NEWS

xiaomi 13t pro article
Xiaomi 13T Pro now official: Dimensity 9200+, 16+1TB storage combo and much more!
The Xiaomi 13T Pro, the latest flagship smartphone from the Chinese tech giant, is now available in the...
Read More
infinix sale
Infinix slashes price of ZERO 30 5G at launch with chance-to-win a smartwatch
The latest Infinix smartphone has landed on official online retail platforms with a promo and more. Infinix...
Read More
Infinix Zero 30 Review TN copy
Infinix ZERO 30 5G Review: A fierce, sexy 4K phone for young content creators
Want to become a TikToker or YouTuber? But you don’t own a computer? The Infinix ZERO 30 5G might be...
Read More