Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors

Presenting, The Xiaomi 12 Lite! Plus: What’s Inside Our Xiaomi Mini Travel Bags?

Recently, nagpadala sa Unbox Diaries ang Xiaomi ng dalawang mini travel bags: one for Vince, and one for Shang. Pero, what’s inside kaya ng mysterious travel bags na ito? Anu-ano kayang mga goodies and surprises ang makikita natin? Let’s find out!

As you can see below, these are the mini travel bags Xiaomi sent us, maganda ang kaniyang overlook, very chic and fashionable, madaling bagayan ng porma, at isa pa, in pastel pink and cool gray pa ang kaniyang kulay!

Here are the travel bags Xiaomi sent us! Maganda siya dalhin dahil magaan siya, and can be an ideal travel companion pa!

Inside, there are many knick-knacks sa loob ng bag, kumpleto talaga ang essentials and hygiene needs para sa isang safe travelling experience! Let’s have a look inside!

Sa loob ay marami na kaagad na laman, but there’s a huge space sa bawat bag, dahil may itinabi kami to save for last! Keep on reading to find out what is it!

Naglalaman siya ng the following: ilang pirasong rapid test device for COVID-19 (very essential these days), isang alcohol-free hand sanitizer, isang coffee mug/tumbler, isang huge power adapter, perfect kung mangingibang bansa ka dahil hindi mo na kailangang bumili ng adapter if nasa hotel ka or other places na hindi appropriate ang standard two-prong na saksakan. Nariyan din ang isang bucket hat para hindi mainitan o maulanan, isang mas maliit na bag in color gray, na perfect for your valuables para may iba silang lalagyanan. Nariyan din ang isang Xiaomi Smart Band 2 watch, accessories for the watch itself, a bunch of KN95 face masks, at isang laundry pouch. Talagang alagang-alaga kami ng Xiaomi, so we can prepare that much better sa gaganaping Xiaomi convention event sa Malaysia this coming days na!

From upper left to lower right: laundry pouch, Xiaomi faux-leather name tag accessories, mini bag, watch jelly accessory, Xiaomi Smart Ban 2, power adapter, COVID-19 antigen rapid test device, alcohol-free sanitizer spray, coffee mug/tumbler, KN95 face masks, bucket hat, name tag accessory in white.

Siyempre, mabalik tayo sa dilemma kung bakit ba may malaking gap sa gitna ng travel bag. Well, that’s because doon nakapuwesto ang isang Xiaomi 12 Lite! That’s right, ang newest offering ng Xiaomi, kasama dito sa travel bags na ito! Ang #Xiaomi12Lite ay super perfect for that #MyStyleMyShot experience dahil jampacked ang camera nito! For starters, super sleek at refined ang kaniyang style, may pa-gradient effect pa in pink to sky blue, and apple green to sky blue, napaka-stylish ng dating! Isa pa, perfect talaga ito pang-picture taking dahil featherweight at ultra-slim ang design, eliminating ngawit and pagdulas ng phone sa kamay moments.

Presenting: Xiaomi 12 Lite in all of its glory. A true Xiaomi: My Style, My Shot experience, all encapsulated in one impressive smartphone.

Sa camera niya naman, no need na ang bulky set-ups dahil pang-studio level na ang cameras ng Xiaomi 12 Lite! 108MP ang main camera nito, may 8Mp ultra-wide angle camera pa at 2MP macro camera — talagang full package na! Sa selfie camera naman, 32MP camera na siya na may GD2 sensor at may autofocus capability pa kaya talagang point-and-shoot ka na lang dahil ang Xiaomi 12 Lite ang bahala sa ‘yo! If feeling fun and preppy ka naman, may Magic Cutout capability din to at ang highly coveted ngayon na Vlog Mode with a whopping 19 templates available! Talagang, you won’t asking for more with the Xiaomi 12 Lite!

From left to right: 67W Fast Charger, USB-C Type Cable, Xiaomi 12 Lite box, jelly case, Safety Information/Warranty Card/Quick Start Guide, and sim ejector pin
Majestic and colorful: My Style, My Shot!
The Xiaomi 12 Lite comes with an aluminum frame.

Paano naman sa usapang battery at performance? Well, piece of cake lang sa Xiaomi 12 Lite ‘yan! Snapdragon 778G na ang processor niya kaya walang lags pagdating sa editing, streaming, watching, gaming—basically anything! Sa battery naman, an impressive 4,300mAh battery na pang-buong araw na walang tigil ang hatid nito, at kung worried ka naman na baka mabagal ang charging—sa 67W Turbo Charging ng Xiaomi 12 Lite, 13 minutes lang, 50% ka na kaagad, so walang patid ang saya!

Likod pa lang panalo na, napakaganda pa ng camera modules at ang gradient effect ng Xiaomi 12 Lite!

Well, that’s it! Special thanks again to Xiaomi, talagang My Style, My Shot ang magiging experience namin nito once we use it now, dahil talagang Unbox Diaries approved ang #Xiaomi12Lite! For full specs ng Xiaomi 12 Lite, click on this link: https://unboxdiaries.com/phones/xiaomi-12-l/

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Needs

Improvement