Xiaomi 12 Lite: Isang In-Depth Look!

Let’s take an in-depth look sa isa sa mga latest offerings ng Xiaomi: ang 12 Lite na talagang bigatin sa style at specs!

Naalala niyo naman siguro before na naging article na ito a while before, kasama ng pag-unbox natin sa mini travel bags na bigay ng Xiaomi. Naging video din ito sa Youtube channel natin na kung saan, napagusapan na ito ni Vince. Pero, sa mga naghahanap pa ng more in-depth na information about this, wala nang pero-pero, let’s delve deep into this magnificent piece of tech right here!

For starters, kung makikita natin, ang kaniyang box/packaging ay very simple lang, text na may malaking number 12 sa harapan on a plain white box. Pagbukas, makikita na natin kaagad ang unit itself, sa ilalim naman, nandoon ang necessary paperwork kagaya ng warranty info, quick start guide, at safety information. Kasama din doon ang kaniyang ultra-fast, ultra-bilis na 67W fast charger, at ang trustee Type-C cable. May kasama din siyang casing para extra protected.

Pagkabukas naman ng kaniyang protective plastic, makikita natin ang immaculate glass back finish ng Xiaomi 12 Lite, may mala-gradient effect din siya in sweet colors such as pink, violet, apple green and shades in everything between. Mayroon din naman siyang version na plain black na may gradient effect din pero mas subtle ang datingan niya. Nakakapukaw ng pansin ang flow ng mga kulay papunta sa kaniyang camera module.

Sa kaniyang sides naman (na gawa sa aluminum frame), matatagpuan ang kaniyang volume rockers, power button, sim tray, sa ilalim naman ay ang IR blaster, dual speakers na may Dolby Vision tuning na, at microphone.

Sa harapan naman, ang rich AMOLED display niya na may 6.55 inch-display with punch hole integration ay talagang eksakto at just right lang sa mga enthusiasts ng ganitong klase ng smartphone, dahil nga hindi siya ganoon kalaki, hindi rin ganoon kaliit. Kung nagtatanong ka kung puwede ba ang Xiaomi 12 Lite sa gaming, aba puwedeng-puwede dahil naka-Snapdragon 778G 5G na ito. Meaning, mabilis siya na processor na kaya i-handle maging CPU-heavy games kagaya ng Genshin Impact. 5G na rin ito kaya walang problema kahit nasa hindi masyadong signal-rich area, dahil malakas ang higop ng signal nito, reliable talaga ang Xiaomi 12 Lite. May 6 or 8GB variant siya na may 128 or 256GB naman ng ROM. Wala nga lang siyang microSD slot for expandability.

Sa camera naman, kung saan ito ang ipinagmamalaki ng Xiaomi sa smartphone na ito, mayroon siyang 108MP main camera lens na for wide shots, 8MP for ultrawide at 2MP pang-macro. Sa selfie cam naman, 32MP kaagad ang mayroon dito. Pagdating sa video recording, kaya hanggang 4k resolution gamit ang rear, at 1080p naman kung selfie cam. Tignan natin ang ilang sample pics mula sa main at rear camera niya.

Kamusta naman ang fingerprint scanner? Mukhang wala kang nabasa kung nasa likod or nasa side ba siya. Well, next level na talaga ang Xiaomi 12 Lite dahil under display ang kaniyang fingerprint scanner, kaya talagang innovative!

Ang operating system naman ng 12 Lite ay MIUI 13 mula sa Android 12. E siyempre, nagtanong ka ulit– maganda ang camera, maganda pang gaming, at ‘yung display puwedeng pang-harabas outdoors kasi hindi madilim kumpara sa LCD ones, so paano kaya iyon? May punto ka naman idol, bagama’t 4300mAh lang ang battery capacity niya, may kasama naman itong 67 watts na kayang mag-charge ng hanggang 50% in just half an hour lang, kaya hindi problema ang mabilis ma-lowbatt na smartphone.

Available siya sa three colors: mayroong classic Black, kung medyo adventurous ka naman, Lite Pink or Lite Green ang perfect for you. Kung gusto mo naman malaman ang complete specs, visit lang sa specs page ng smartphone na ito: Xiaomi 12 Lite – Unbox Diaries

LATEST NEWS

converge-sky-cable
After partnering with Converge, SKY Cable may soon be replaced by SKY TV
The new SKY TV plans got simpler and cost as low as 99 a month. The partnership between Converge and...
Read More
img_v3_02fb_853662da-d171-4cc0-aec9-7b80d9f312hu
realme GT Neo7 key specs and release date leaked
realme is gearing up to expand its GT series with the upcoming realme GT Neo7. This mid-range gaming...
Read More
img_v3_02fb_b71866df-987c-4791-b541-45d799585ahu
Why would you buy the Infinix HOT 50i for PHP 5K?
The fashionable design, AI perks, and bypass charging give the Infinix HOT 50i its unique flair. The...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0