Xiaomi Enters The Fortune 500 List Again for Four Straight Years, Now at #266

Xiaomi on the Fortune 500 List Again! What’s next for them in the future after this massive milestone nila?

Nitong August 3 sa Beijing, China, pasok na naman ang Xiaomi Group (commonly known sa kanilang mga smartphones) sa Fortune Global 500 at #266. Ang Xiaomi ay ang pangatlong pinakamalaking manufacturer ng smartphone sa mundo, at ngayon, umakyat pa ang kanilang ranking ng apat na sunud-sunod na row simula 2019.

Unang lumabas ang Xiaomi Group noong 2019 sa #468 spot, siyam na taon after maitatag ang kumpanya. Napakabilis ng paglago ng Xiaomi Group sa kanilang ranking, mula #422 naman noong 2020, hanggang sa #338 nung nakaraang taon.

Ayon sa Fortune Magazine, Ang Xiaomi, na unang lumabas sa listahan ng Fortune Global 500 noong 2019, ay nag-advanced ng halos 200 na posisyon sa loob lang ng apat na taon, at dahil doon, binansagan silang isa sa mga fast-growing tech companies na naka-base sa Tsina.

Ang revenue at adjusted net profit ng Xiaomi ay umabot ng panibagong high stats noong 2021. Ang kabuuang revenue ng Xiaomi Group last year ay umabot sa RMB 328.3 na bilyon with a year-on-year increase ng 33.5%. Ang adjusted net profit naman ay umabot ng 22 milyon yuan last year, na may year-on-year increase naman ng 69.5%. Ang overseas market revenue last year naman ng Xiaomi Group ay umakyat ng 313.7% year-on-year, na accounted for 49.8% ng kanilang total revenue. Sa first quarter ng 2022, ang increase naman ay umabot ng 51.1%.

Salamat sa “Smartphone x AloT” strategy, umabot rin ng record-high ang kanilang global smartphone shipments last year. Hindi lang iyan, dahil nag-expand din ng mas malawak at mabilis ang AloT products nila, na dahilan sa pagbuo ng mas maayos na product ecosystem sa kanilang mga smartphones. Ayon naman sa Canalys, Pumangatlo sa global smartphone industry ang Xiaomi na may market share na 14.1% noong 2021. Nanguna naman ang smartphone sales nila sa labing-apat na merkado at pang-lima naman sa animnapu’t dalawang merkado.

Halos 434 smart devices (base sa report nila noong December 31, 2021) ang konektado sa kanilang platform (hindi kasama ang mga smartphones, tablets at laptops) na may year-on-year increase na 33.6%. Ang kabuuang numero naman ng global MIUI general monthly users ay umabot ng 509 million, na may yearly increase na 28.4%.

Noong 2021, tumaas ang shares ng Xiaomi’s high-end smartphone ng 13%, halos doble noong 2020. Patuloy naman ang Xiaomi sa pag-increase ng investment nila sa research. Noong 2021, ang R&D expenditure naman nila ay pumalo ng 13.2 billion yuan na may yearly increase ng 42.3%. Sa susunod na limang taon, ine-expect na umabot sa 100 billion yuan ang kanilang investment sa research. As of March 31, 2022, nagawaran ng 26,000 na patents ang Xiaomi, habang 53,000 naman ang kanilang kasalukuyang global patent applications.

Dedicated at committed ang Xiaomi na bumuo pa ng nakakamangha pang produkto na presyong tapat para lahat ay makapag-enjoy ng mabuting lifestyle sa pamamagitan ng maunlad na teknolohiya.

Patungkol sa Xiaomi Corporation

Ang Xiaomi Corporation ay itinatag noong Abril 2022, at napasama sa Main Board ng Hong Kong Stock Exchange noong July 9, 2018 (1810 HK). Ang Xiaomi ay isang consumer electronics at smart manufacturing company na naka-pokus sa smartphones at smart hardware na konektado ng IoT platform sa core nito.

Bitbit ang vision na “Makipagkaibigan sa mga users at maging pinaka-astig na kumpaniya sa puso ng users,” sinisikap ng Xiaomi na ipagpatuloy ang mga innovations sa technological na aspeto, kaaya-ayang user experience, at swabeng operational efficiency. Patuloy ang Xiaomi sa pagbuo ng mga produktong nakakamangha at sa tamang presyo upang maranasan ng bawat tao sa mundo ang magandang buhay sa innovative na teknolohiya.

Ang Xiaomi ay isa sa mga leading smartphone companies sa mundo. 

Ang Xiaomi ay isang constituent ng Hang Sang Index, Hang Seng China Enterprises Index, Hang Seng TECH Index, at ng Hang Seng China 50 Index.

Para sa iba pang impormasyong hinggil sa Xiaomi, bisitahin lang ang: https://www.mi.com/global/discover/newsroom

LATEST NEWS

img_v3_02em_77a4f570-7f4e-47bd-bf3d-d7ebef0badhu
Is it safe to update your phone with Android 15 Beta?
Android 15 Beta is rolling out to TECNO CAMON 30 Pro 5G owners, one of the first to receive after Pixels....
Read More
img_v3_02ek_daa6c5f3-b8fb-4076-9fbc-66b813448ehu
Prepare to take pro-level portraits with vivo V40's ZEISS Multifocal Portrait
For Millennials and Gen Zs who love photography, especially capturing perfect portraits, understanding...
Read More
img_v3_02el_def24775-edca-4560-9dd9-4efccbd5cahu
OPPO A3 Unboxing and First Impressions - Durable, Reliable, and Affordable
OPPO, a beloved smartphone brand in the Philippines, has earned a reputation for stylish and affordable...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0