realme C30 vs narzo 50i Prime FACEOFF – cn0nq mA$ AnqAt?!?

Balita namin, pound-for-pound raw ang realme C30 at narzo 50i Prime, almost too dangerously close sa kanilang specs, but how close? Malalaman natin dito sa matinding faceoff, cn0nq mA$ AnqAt?!?

It’s been a few months since bumukod ang narzo mula sa realme, and by then narzo started to released their very own smartphones, notably the narzo 50i Prime. Sa kabilang home court naman, hindi naman daw masakit sabi ng realme, kaya naglabas din siya ng realme C30. Ayon sa mga tsismis, medyo close sila sa mga specs daw, almost too close pa nga. Let’s see kung totoo nga ba ang mga speculations!

Design

Sa design aspects, magkasing-size sila, magkasing-hugis at parehas na mala-iPhone ang kanilang aesthetic appeal. Ang pinagkaiba nina realme C30 sa Narzo 50i Prime is ‘yung kanilang likuran. Sa realme C30, naka-textured matte finish siya na similar sa mga luggages, backpack na pang-hiking at water jugs.

Sa narzo 50i Prime naman, the traditionally glossy back na may spotlight effect at may kakaunting texture for added grip. Parehas ang layout ng camera, placement ng sim tray (pati sim tray space), speaker, camera module, flash — lahat. Well, baka coincidence lang ito di ba?

The display and camera

Sa kanilang displays naman, sobrang parehas na parehas din sila, parehas IPS LCD, 6.5 inch ang display, 720 x 1600 ang resolution, at parehas may water drop notch. Both have 8MP rear at 5MP selfie sa camera.

Can it run games?

Parehas silang may Unisoc Tiger T612 processor, pero ang pinagkaiba nila, may 2GB of RAM lang ang C30 habang may 3GB RAM naman sa narzo 50i Prime. Mas better ito ng bahagya kumpara sa realme C30. Sa gaming, parehas naman around 200k points siya sa AnTuTu, pero mas better overall ang narzo 50i Prime dito. Pero, we wouldn’t even want to recommend it sa mga gamers at all dahil prone sa throttling parehas ang mga phones na ito.

Battery health

Sa battery naman, parehas na parehas ang kanilang battery at 5000mAh, parehas Li-Po, pero may reverse charging ang narzo 50i Prime.

Other aspects

Pagdating sa ibang aspects such as Bluetooth 5.0, GPS, Radio, at microUSB port na may OTG support. Nagkakahalagang Php 4,999 ang narzo 50i Prime habang mas mahal ng 500 pesos at Php 5,499 naman ang realme C30. Possibly, napunta sa mas magandang back design ng C30 ang price na iyon.

In conclusion

There’s no doubt, sobrang parehas na parehas ang narzo 50i Prime at realme C30 pagdating sa kaniyang specs with some better ones sa version ng narzo. What does this mean? Bakit sila nag-release ng magkaparehang smartphones na nagkaiba lang sa skin? Ano ang goal nila dito? Tunay nga bang hiwalay na at isang standalone company ang narzo? Or baka marketing tactic lang ito ng realme so that it can reproduce the same models and give it a fresh new look and coating, then relabeling it into a ‘new model’.

Our fellow readers, anong opinion niyo dito? Is it a wise move, or a shady one? Comment down below!

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!