Poco M5 at M5s, Malapit Nang I-Release! Plus: Specs Leaks!

After their massive hits kagaya ng Poco M3 Pro at Poco M4 Pro series, things are getting better and better ngayon na ia-announce na nila ang M5 Series next week!

Isa ka bang Poco stan? Well, good news dahil may bagong release sila under the mid-range category na talagang super sulit dahil jampacked with great specs with the fraction of a price sa mga ibang offers mula sa competitors. Kahapon lang, inanunsyo nila na mangyayari ang epic reveal ng mga bagong smartphones sa September 5, via online event na magsisimula ng 8PM (oras sa China, or 2 PM CEST, 12 PM GMT, 1 PM UK, 8 AM EDT, 5 AM PDT,).

Ang ire-release nila ay ang Poco M5 at Poco M5s na talagang super proud sila as it dominates the invite pictures. According sa mga sources, ang Poco M5 raw ay magkakaroon ng MediaTek Helio G99 SoC, na bihirang processor at this moment na ma-include sa isang smartphone device. Usually, kasing bilis ito ng Dimensity 810 na mula din ng MediaTek, during sa first release nito (300k points sa AnTuTu).

Usap-usapan din na magkakaroon ang Poco M5 ng 6.58-inch FHD+ LCD screen, 5,000 mAh battery na may 33W fast charging, side-mounted fingerprint scanner, at three storage options: 4GB of RAM and 64GB of storage, 4/128GB, and 6/128GB– kumpara sa previous model na 4GB/128GB or 6/128GB. Expected na may MIUI 13 based sa Android 12 ang Poco M5, at magkakahalaga raw ito ng around INR 15,000 sa India o Php 10,572.00. Sa kabilang banda naman, ang tanging source pa lang na alam natin sa ngayon ay may gray, blue at white color variants siya, at parehas sila ng storage option sa M5.

Anong ibig sabihin ng balitang ito? For Poco fans (kami rin ay huge fans ng kanilang smartphones), isa itong another milestone sa company simula nung magbukod sila from Xiaomi, since then, they continue to give the other brands a hard time and a run for their money dahil sa kanilang quality mid-range smartphones na kayang makipagsabayan sa pinaka-latest trends while keeping the price significantly lower. So anong hinihintay pa, abangers na sa September 5th para malaman na ang specs ng M5 at M5s!

LATEST NEWS

infinixpr
Infinix Launches All-New NOTE 40 Series Racing Edition In Partnership with BMW Group Designworks 
This special edition captures the essence of speed and legend with its unique back panel design and customized...
Read More
img_v3_02c2_c7898b86-dced-4c1d-94fd-fa19dcd256hu
DSLR killer HONOR 200 coming to PH soon?
Studio-level portraits in a mobile phone are possible when the HONOR 200 Series lands on PH shore. When...
Read More
img_v3_02c2_aa10c4f3-74e1-4658-b57f-84059eaf7bhu
NBI Arrests Local Media Outlet IT Officer in Alleged Government Website Hacking
The National Bureau of Investigation’s (NBI) Cybercrime Division arrested an IT officer from a...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0