Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors

Yes, Someone Made A Built-In PC Inside A Working Toilet

Totoo nga na ang YouTuber na si Basically Homeless ay naglagay ng isang CPU sa loob ng isang toilet (oo, kaya rin mag-flush nito habang naglalaro ka ng Call of Duty: Warzone, at iba pa…

Gusto mo bang hindi nasisira ang ‘yong gaming session dahil sa mga nakakairitang bodily functions sa ating katawan tulad ng pag-ihi at pag-dumi? Sagabal talaga iyan sa paglalaro lalo na’t kung hardcore gamer ka. Pero, mukhang goodbye tiis-constipation at goodbye gamer UTI na tayo dahil itong YouTuber na ‘to na nagngangalang Basically Homeless, natripang gumawa ng gaming PC na sa loob ng isang toilet tank! At hindi lang ‘yan basta-basta novelty o gimmick lang kasi talagang gumagana ito, obvious naman mismo sa video clip sa ibaba:

Puwede ka nang magbawas at magbawas ng kalaban sa paborito mong FPS game at the same time! (Credits: Basically Homeless)

According sa Eurogamer, bumuo raw ng deal si Basically Homeless at ang Microcenter, na isang electronic store sa United States na makagawa ng isang gaming PC sa loob ng isang functional na toilet, kumpleto pati plumbing at tubig sa loob! Nakakagulat, pero hindi ito ang unang attempt sa ganiyan ka-weird na project. Kahit noon pa man, marami nang mga gamers ang sumubok lunasan ang matinding dilemma na ito at inaamin namin, ganito rin kami sa Unbox Diaries, walang gamer na hindi nag-ambisyon na dumumi at maglaro at the same time, base naman sa Kotaku. For many years, nanaig ang mga mobile gamers, kaya lumaki ang mga ulo e, lmao.

Pero iba kasi si Basically Homeless. Ekis ang Nintendo Switch o SteamDeck sa bathroom-gaming den hybrid plan niya. Ang gusto niya kasi, maglaro ng CS:GO, max frame rates, mouse and keyboard habang nasa banyo, pronto–sarado ang argumento, larga sa proyekto. At sa video na ito na kung saan nag-docu siya sa buong proseso, nakakagulat ang mga paraang dinaanan niya ma-achieve lang lahat nang ito.

Paano ito gumana? Well, simple lang: ‘yung kalahati ng tangke, nandoon lahat ‘yung the usual toilet set-up, then, sa pamamagitan ng plexiglass at barubal na application ng pandikit, gumawa siya nung nagsilbing water wall para hindi masira ang CPU components sa kabila, at sa kabilang banda, gumagana ang flushing mechanism ng toilet. May built in fan din ‘yung toilet CPU para hindi uminit ang board, pero dahil din sa tubig e parang mala-Vapor Chamber Cooling System na rin ang dating noon!

Maingat niya namang ikinabit ang mga wirings pagtapos niya butasan sa likod ang toilet tank, at pagtapos kabitan ng RGB lightings, the piece is completed! Umaasa lang kami ngayon dito sa Unbox Diaries na may gumawa niyan for market purposes for real, nang sa gayon may maayos na kaming rason para magtagal sa banyo, hindi na rin naming kailangan buksan ang gripo para hindi marinig ang aming pag-j̷̢̨͚̬̭͉͆̇̓à̸̢̢̡̛̹̬̝̝̩̥̺̣͚͚̲̠̾͛̐̐̏̉̑́̈ǰ̶̧͍̭̻̰̼̻̲̩̞͍̟͙͆͆̌͘͝ā̶̢̢̢̳͙̭̠̞̤̙͔̣̀̾͑̋͗́̌͜͠k̴̲̲̙̙̗̂͒̋̂̊͌̔̉̆͊͛̚̚ö̷͖̽̀͋̈͂͋̔́͋̿̽́͠͠l̷̗͈̚este pagja-jamming sa banyo with our favorite activites such as playing our favorite games, and playing with our bird...Angry Birds to be exact, hehe.

Ikaw ba, if ever–gusto mo bang may ganitong gaming PC sa banyo ninyo? Kami, oo.

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Needs

Improvements