Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors

Infinix Hot 11 2022 – Saan Ba Included Sa Ating Smartphone Tier List?

Bagong-bago at fresh pa from Infinix itong ‘remake’ nila ng Hot 11, in this 2022 version ano kaya ang improvements na ginawa nila regarding this smartphone?

On the tail end of August, hindi nagpaawat ang Infinix to drop one more smartphone bago pumasok ang ber months: ‘yan ang Infinix Hot 11 2022. Medyo maraming syllables, pero ang totoong tanong: mas dumami kaya at gumanda ang kaniyang features?

The display

Malaki ang display niya: 6.7 inches which is a standard among Infinix smartphones. IPS LCD ang kaniyang screen na may 1080 x 2400 resolution, bagama’t 60 fps lang ang kaniyang maximum refresh rate, hindi ito maituturing na disadvantage at all for this kind of smartphone on a budget. Sa PPI naman or pixel-per-inch, 394 ang bilang ng Hot 11 2022. Not bad, but as with any IPS LCD phones, hindi siya perfect pang-outdoor use dahil madilim talaga ang LCD screens. Punch hole display na rin siya, pretty trendy to say the least.

The back

Pagdating naman sa likuran, ang glossy back finish ng Hot 11 2022 ang bubungad sa inyo. It looks elegant, but kapitin siya ng fingerprint smudges. Makikita pa rin ang Infinix logo sa lower left corner, sa itaas naman makikita ang camera module composed of two lenses, isang flash, at isang logo para sa AI camera feature.

The sides

Nasa left side ang SIM tray, nasa right side naman ang volume buttons at power button. Hindi pa determined as of now kung saan nakapuwesto ang headphone jack, at loudspeaker(s), pati na rin kung ano ang slots sa SIM tray dahil bagong release pa lang ito, but we’ll keep this article update once we got some more data to share to you guys.

Camera set-up

Mayroon siyang 13MP wide, pretty standard and 2MP macro, na most of us will use sparingly for sure. May HDR mode ito at LED flash na kasama, sa selfie cam naman, 8MP ang lens nito, wide din siya, at parehas ng main and front ay kayang mag-record ng video up to 1080p@30fps. It’s kind of bland, the camera setup for us, pero when it works, it works, wala ka namang gaanong maiko-complain about this.

How about the gaming?

With 4GB of RAM at 64GB ng ROM, enough power na ito to play games with ease, and dahil Infinix ito, for sure may memory extension feature din ang phone na ito, be it 1, 2, or 3GB of RAM, it makes a huge difference. Sa expandability naman, up to 1TB ang puwede mong ilagay dito via microSD cards. Sa usapang processor naman, mayroon siyang UNISOC Tiger T610. We know, biglang napataas ang kilay ninyo nung nabasa niyo ang processor brand. Pero UNISOC before has been bad and kinda clunky, pero ngayon, we are surprises that it’s getting more and more optimized with every day passes, and it’s no surprise din na nagiging more popular na ang mga UNISOC chipsets among the gaming community. Ang speaker niya, dual horn din (nasa magkabilang side nakalagay), for a more immersive experience.

The battery?

Bukod sa malaki siya at 5000mAh, with 60Hz of display refresh rate, mas mahaba-haba ang puwede mong gawin dito. Pero ang charger niya, 10W lang, at aabutin ka ng 180 minutes from 0% to 100% sabi mismo ng Infinix. Siguro, on the bright side okay na rin iyan to give you break from using the game too much, always remember to use devices moderately. Huwag laging palung-palo sa CoD: Mobile ha (P.S. Type-C ang charging port niya, noice)!

Other specs

4G ang Infinix Hot 11 2022, naka Dual Nano-SIM na rin, Wi-Fi capability (802.11 b/g/n, hotspot). Sa Bluetooth naman, 5.1 na siya, with A-GPS, FM radio, Type-C din at may USB OTG function. XOS 10 Lite ang kaniyang OS na based sa Android 11. Available siya sa tatlong kulay: Sunset Gold, Aurora Green, at Polar Black. Nagkakahalaga ang Hot 11 2022 ng Php5,799.00 for 4GB + 64GB.

What we like:

✔ Big battery (5000mAh)

✔ Large 6.7 display with punch hole notch

✔ Stylish aesthetics

✔ Dual firing speakers

✔ Cheap

What we dislike:

✘ So-so cameras

✘ 10W charging capacity only

✘ Smudge-magnet back finish

✘ UNISOC Tiger T610 may struggle with FPS or AA/AAA games

FINAL VERDICT:

Sakto Lang (3.4/5 ☆☆☆)

Conclusion:

Infinix’s newest smartphone is just perfectly fine on its own, given that mura ito with all the latest design and innovations, then dialled it down para mas tumapat sa kanilang price point na very cheap pa din. Infinix never fails to be a good alternative to more mainstream brands out there.

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!

Needs

Improvement