realme Tops Canalys Q2 2022 Smartphone Vendors Analysis Three Times In A Row

Base sa pag-aaral ng Canalys na isang analytical firm, nag-top 1 ulit ang realme sa listahan ng top smartphone vendors sa Pilipinas. Pero may humahabol… Mapanatili kaya ng Xiaomi ang kanilang spot sa future?

Ang prestigious na Canalys Smartphone analysis ay naglalayon na magpakita ng transparent data about sa iba-ibang rankings sa mundo ng tech. Recently lang, naglabas sila ng listahan ng top 5 na smartphone vendors dito sa Pilipinas.

Nangunguna pa rin for a third straight row na ang realme na may total unit share na 20%, ngunit kapansin-pansin din na at the same time, ang annual growth naman nila ay bumaba ng -21%. Bakit kaya ito nangyari? Maaaring ang pagbubukod ng ibang sub-brands nila tulad ng narzo ay posibleng nakaapekto sa overall sales nila, at iba pang mishaps. Ayon sa aming analysis, mukhang ito ay dulot ng pang-numero dos sa listahan na ang Transsion Holdings.

Sino naman ang Transsion Holdings? Sila naman ang may hawak sa Infinix, Tecno, at Itel dito sa Pilipinas. Ang kanilang total unit share 17% lamang ngunit ang annual growth nila ay ibang-iba sa ating nangunguna. Mayroon silang +202% na increase sa aspetong ito meaning, maaari pang tumaas ito sa susunod na quarter at posibleng-posible na maungusan pa nila ang realme sa unang spot. Ano kaya ang dahilan? Maraming factors, pero isa na rin sa dahilan ang pagiging-budget oriented ng mga Pilipino sa kanilang smartphone choices. Bagama’t tama naman ang presyuhan ng realme sa kanilang mga smartphones, ‘di maikakaila na mas maraming choices ang Infinix, Tecno at Itel sa mas murang halaga, na may competitive pang specs, kaya hindi nakakagulat na mukhang mas marami pang mga Pinoy ang maaaring mahumaling na lumipat sa mga brands na hawak ng Transsion Holdings.

Ang OPPO naman, bahagyang tumaas sa pangatlong puwesto with a 16% increase sa kanilang unit shares, at 31% increase sila sa kanilang annual growth rate. Sa aming analysis, iba naman ang nararanasang anomalya ng smartphone company na ito. Bagama’t hindi gaanong on-par ang kanilang entry-level at mid-range phones, ang kanilang matinding marketing strategy at lubos na nakatulong upang masiguradong stable ang kanilang sales sa Philippine market. Kung pipiliin nilang i-develop ang kanilang budget-priced smartphone range nila, tiyak na maaari pang tumaas ang rankings nila sa susunod na quarter, pero depende pa kung ito ang landas na gusto nilang tahakin as a company.

Ang listahan ng Canalys na nagpapakita ng limang pinakamabentang smartphone brands sa Pilipinas, ayon sa analysis ng Canalys.

Tumingin naman tayo sa Xiaomi, nakakagulat na stable lang ang kaniyang puwesto sa numero kuwatro, na may 15% unit share at may isang porsyiento lang ng annual growth. Pretty stable, pero sa kanilang mga sunud-sunod na innovation, diversification at hawak pang sub-brands tulad ng POCO, mukhang ang pulso ng mga Pilipino ay nagsisimula na silang makita bilang isang premium brand mula sa isang dating mid-range / budget-level na smartphone brand lamang. Ito ba ay isang magandang projection para sa kanila o hindi?

At sa panghuling spot sa numero singko, patuloy pa rin na popular sa mga Pinoy ang Samsung. Kahit na hindi ganoon kaganda ang kanilang budget at mid-range smartphones kumpara sa kaniyang mga competitors tulad ng unang apat sa listahan, posibleng umiiral pa rin ang isang solid brand loyalty mindset ng kanilang mga fans dito sa bansa. Sa kabila nang 14% unit share at 14% din na annual growth, posibleng hindi gaanong masyadong nabibigyan ng pansin ang innovation sa mga smartphone models nila na may mas murang presyo, alang-alang sa kanilang smartphone race nila versus Apple.

Interesting kung saan dadalhin ng mga smartphone companies ang kanilang mga stratehiya upang manguna sa listahan ng Canalys. Mukhang mabigat, mainit at dikit na dikit ang laban sa limang brands na ito, at sa susunod na quarter lang natin malalaman kung may mga advancements silang ginawa o hahayaan na lang nilang mag-dwindle ang kanilang sales dito sa ating bansa.

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!