Ulefone Armor 15: Para Sa Mga Rugged Diyan!

Kung fan ka ng rugged phone (katulad namin dito sa Unbox Diaries), at na-let down ka ng mga ilang smartphone under this category for years, the wait is over, because Ulefone saves the day with the Armor 15!

Pero, wag kang magugulat ha, kasi may built-in earbuds ang Ulefone Armor 15! Yes, that’s right, rugged smartphone na may TWS Earbuds for the complete experience! Hindi ka na magiging ulyanin sa earphones mo kung may Armor 15 ka! (Get it? We know, tito jokes na naman, lmao.)

For starters, ang Ulefone Armor 15 ay may Helio G35, 6GB of RAM at 128GB of internal storage, not too shabby ha! Pero iniisip mo siguro, “napakabagal naman ng processor niyan!” Well, you have a point, but hindi siya mabagal in our opinion when we understand Ulefone’s intentions or their ideal target demographic like people who really needs a rugged phone, be it an on-call emergency personnel, something na nagtatrabaho sa mga rugged conditions like construction, military, or any work conditions na puwedeng maging hardcore in any moment. That doesn’t mean na hindi ka na pupuwede bumili ng Ulefone Armor 15, pupuwede pa rin naman. Pero kung ang hanap mo ay mala-flagship specs at gusto mo nito dahil may mala-butter hands ka, this isn’t the right phone for you.

Mabalik tayo sa specs: mayroon siyang 5.45-inch HD+ IPS LCD display(1440 x 720) na may fingerprint-resistant oleophobic coating–dahil diyan na papasok ang kaniyang rugged features, medyo maliit man by today’s standards ang Ulefone Armor 15, panatag ka naman dahil protektado ang smartphone mo sa kahit anong dumi, tubig, spills, at nuclear explosion (sorry, hindi pala nuclear explosion, ibang usapan na ‘yon).

Hanggang 256GB naman ang expandability nito through external storage via microSD, so hindi ka na talo. Sa camera aspect naman, may dual camera setup siya na may 12MP F1.8 main SONY IMX363 Sensor, 13MP F2.4 wide Samsung S5K3M3, at 16MP F2.4 front camera SONY IMX481 Sensor sa selfie cam. Sa usapang ruggedness naman, IP68 na ang certification niya so walang worries if malaglag mo sa tubig ito hanggang 30 minutes max!

Eto talaga ang star ng show: ang kaniyang battery na 6600mAh lang naman ang capacity! Perfect for long trips kagaya ng backpacking o hiking na kung saan wala kang mahahanap na power source for long durations kaya naman saktong-sakto ang phone na ‘to for that kind of situations! May 18W charger din siya, may ibibilis pa dapat ito in our opinion, pero kung iisipin, hindi naman kabagalan ang 18W of charging, medyo matagal nga mag-charge pero at that time siguro, sawa-sawa ka na rin sa paggamit nito, or be sure, i-charge na lang bago matulog.

Ang uBuds naman sa loob Ulefone Armor 15 ay sobrang gaan lang, clocking in at 3.2g only, it supports Multiple Controls, may Bluetooth 5.3, at may 505 hours ng music playback time, and HD sounds. Ewan ko na lang kung mawala mo pa ‘to!

Magkano naman ito? Nagkakahalaga ito ng Php9,400.00 sa kanilang early bird promo) (estimated mula 170 dollars) sa kanilang Kickstarter, especially sa mga nag-sponsor sa project na ito. For full specs, click this link right here: https://unboxdiaries.com/phones/ulefone-armor-15/

LATEST NEWS

img_v3_02eq_068a4f52-34a0-4fba-bb87-a4885a651ahu
Samsung's rollable phone beats HUAWEI's tri-fold in screen size
The innovative Samsung rollable phone is rumored to be arriving in 2025. On one side of the globe, one...
Read More
img_v3_02eq_ef14864d-c76d-43cb-89d9-951e7f02d0hu
REDMAGIC Nova, powered by Snapdragon 8 Gen 3 Leading Version, launching globally soon
Experience unparalleled power with the REDMAGIC Nova gaming tablet this month. The next-generation gaming...
Read More
img_v3_02eq_9d1aa7e7-f4ce-421b-beb1-66d95904f0hu
When will the Samsung Galaxy S25 series be released in the Philippines?
If the pattern holds, the Galaxy S25 is likely going live in the first three months of 2025. After seeing...
Read More

Your compare list

Compare
REMOVE ALL
COMPARE
0