iPhone 14 Launch Date, In-Announce Na Finally!

Behold Apple fans, for months we are seeking for the latest updates about the release of iPhone 14 series, may mga speculations, tsismis at whatnot, pero finally, Apple has released the date for this!

Eto na, Apple just announced that September 7th is the day on which malalaman na natin ang balita all about the iPhone series, ‘di lang ‘yan, mukhang may release din sila na bagong Apple Watches. ‘Yan ay mula mismo sa invitation na ipinadala ng Apple sa press.

Hmm, ano kaya ang ibig sabihin ng kanilang tagline na “Far Out”? Gaganapin ang in-person event mismo sa Steve Jobs Theater sa Apple Cupertino campus. Ito na yata ang biggest launch nila since start ng pandemic. Available din ito via stream on the same day.

Siyempre, ang iPhone 14 lineup ang pinaka-center ng mismong event. Base sa rumours, apat na models ang ipapakita ng Apple: ang 6.1 inch na iPhone 14, ang 6.7 iPhone 14 (na baka may added Max or Plus sa kaniyang name), 6.1 inch na iPhone 14 Pro, at ang 6.7 inch na iPhone 14 Pro Max. Meaning, wala silang ilalabas na bago under the Mini umbrella, kaya sorry iPhone Mini fans, mukhang walang iPhone 14 na Mini for you peeps that day.

Ang pinakamalaking upgrades na siguro ay towards siyempre sa Pro line. Ang pinakamalaking pagbabago na siguro is yung pagbabago ng notch nila from a almost flower pot/trapezoid shape to adapting a pill-shaped punch hole para sa selfie camera at Face ID. Magdadagdag na rin ng always-on-display mode na exclusive lang sa Pro category. Accompanied yan ng iOS 16 new lock screen widgets kahit i-switch off mo ang screen. Ang next improvement naman again for the Pro line is ‘yung pinaka-newest na A16 Bionic, pero again, ang non-pro versions ng iPhone ay hindi makakatanggap ng bagong chipset na ito. Sa camera naman, from a wee 12MP sa iPhone 13 lineup, ngayon ay naka-48MP na siya, pero sa lahat ng iPhones ay may autofocus feature sa front cam— now that’s what we call improvement! Perhaps ibalik na rin ang charging brick inclusion at headphone jack sa future, soon?

Ang super ma-intriga naman na “far out” tagline, possible na secret na improvements ito. Siguro, SatNAV? We can only hope.

May bagong tatlong Apple Watches ang posibleng maidagdag sa event as well. Ang Apple Watch 8 ay mukhang Series 7 raw pero may body temp sensor feature siya. May panibagong Apple Watch SE din na may faster chipset pero parehas pa rin ang body kagaya ng current design. At panghuli, isang higher end model na marketed towards extreme sports athletes na may mas malaking screen at battery life. Nandiyan din ang usap-usapan na posibleng mag-release din ng bagong AirPods Pro at iPads— at baka may bagong Mac Pro din, pero once may bagong balita— nandito ang Unbox Diaries to give you the latest and freshest updates.

Latest Reviews

BEST PHONES ₱20K-30K TIER LIST!

Super Sulit

BEST PHONES UNDER PHP15K and 20K TIER LIST!

BEST PHONES UNDER PHP10K TIER LIST!